Kung gusto mong matawa, manood ka ng “Masikip sa Dibdib, Ang Tunay na Buhay ni Boobita Rose.” Pinanood namin ito kanina. Kakaiba ang approach ng pelikula sa pagpapatawa. Madrama dapat ang istorya, pero nakakatawa kaya sa halip na maiyak ay matatawa ka. Hindi ito yung tipo ng comedy rito sa atin na pinagtatawanan ang pilay, Bisaya, o nadadapa. May sariling style ang mga gumawa at ang mga gumanap sa pangunguna ni Rufa Mae Quinto, na magpapahalakhak sa ‘yo sa halos bawat minuto.

Dagdag na bonus, pero mahalagang bahagi ng pelikula ang pagsulpot sa eksena at pag-awit ng mga singers ng mga awiting nagsisilbing background sa istorya. Sa mga fans ni Ely Buendia, matutuwa kayo!

Nagulat ako, pero nagustuhan ko rin ang ginawang ending. Ganun ‘yung mga tipo ng ending na type ko. Hindi logical (as if logical yung istorya ng Boobita Rose) pero asteeg. ‘Yun bang wala lang, pero kakaiba.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center