Break lang muna. Walang Internet sa bahay at hinahabol ng deadlines sa opisina.

Meanwhile, enjoy n’yo muna itong “Mga Sawing Ungol at Halinghing”–isa sa mga paborito kong article na isinulat ko sa Peyups.com:

Nag-uunahang dumarating, mistulang mabubuo ngunit biglang sasambulat hanggang di ko na matitigan ang mga ideyang kinakailangan kong habulin, hulihin, himasin at romansahin, pagkatapos ay ihanay at ikulong sa alternatibong word processor kong Atlantis. Nasa harap ako ng aking computer, sinasarili ang pagsisikap na makalikha ng isang sulatin ngunit putul-putol na pariralang kung saan-saan pumupuwesto ang nililikha ng aking PC na matagal ko nang di nakaulayaw. Ang mga salita’y mistulang mga buntung-hininga at daing na di makarating sa mapagpalayang orgasmo.

Nakapila, umiindak sa saliw ng mga kanta sa Wanted Bedspacer album ni Ely Buendia, tumatalon, kumikindat, nanunukso’t nangangalabit ang mga paksa at usaping nais kong kong bulatlatin at isalaysay: ang mga ungol at halinghing sa mumunting sulok ng CyberSpace; ang kalibugan nating mga taga-UP at kung paano ito masisilip sa patuloy nating pakikihamok sa kampus, sa mga lansangan at sa mas malawak pang mundo; ang pagsilang ng fortnightly magasing Newsbreak; ang dahilan sa pagkakatatag ng cool consumer org na TXTPower; ang v17 ng Tinig.com; at ang maikli ngunit makabuluhang buhay ni Lean Alejandro, isang iskolar ng bayan at martir ng pambansa-demokratikong kilusan.


Ang buong artikulo ay nasa http://www.peyups.com/article.khtml?sid=1044.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center