Dadalo ako mamayang gabi sa Pambansang Muziklaban ng Red Horse Beer sa World Trade Center. Inanyayahan ako ng pinsan kong nagtatrabaho sa San Miguel Brewery Inc. na manood para naman makapag-bonding kami. At dahil nasa concert na ito ang mga tinitingala kong haligi ng musikang Pilipino gaya nina Pepe Smith at Ely Buendia, nagdesisyon akong huwag palampasin ang Muziklaban ngayong taon.
Ang Red Horse Beer Pambansang Muziklaban Rock Extravaganza ay pagtitipon ng mga rock fans at pinakamagagaling na mga bandang rock sa buong bansa. Nasa ika-15 na taon na ito ngayon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasanib-puwersa ang lakas ng dating ng rock at suwabeng tunog ng classical music na pangungunahan ng Manila String Machine. Piling-piling mga kantang rock ang lalapatan ng tunog na classical kasama ang mga pangunahing rock bands sa bansa katulad ng Gracenote, Tanya Markova, Franco, the Octaves, Razorback, Slapshock, Greyhoundz at ang hari ng Philippine rock na si Pepe Smith. Ang kolaborasyong ito ay patunay na ang Red Horse ay tapat sa adhikain nito na mas lalo pang sisipa ang industriya ng musika sa bansa at mapalawak pa nito ang saklaw ng mga tagapanood ng taunang pagtatanghal.
Hindi lamang sa Metro Manila magkakaroon ng kasiyahan dahil may mga live viewing parties din na gagawin sa mga sumusunod na lugar: Zapro Bistro, McArthur Highway, Balagtas, Bulacan; Al Fresco Bar sa Batangas Days Hotel sa Pastor Village, Pallocan, Batangas City; AGQ Gymnasium sa Brgy. 1, Siaton, Negros Oriental; at sa Matina Town Square Pavilion sa McArthur Highway, Matina Highway, Davao City.
Hindi rin makakaligtaan ang saya ng Pambansang Muziklaban sa buong mundo dahil may live streaming din sa ww.redhorsebeer.com.
Naglaban-laban ilang araw bago mag Februay 1 para makasama ng mga rock icons at dating champion ng Pambansang Muziklaban ang mga sumusunod na banda: Manila Under Fire (Las Piñas City); Rigmarole (Batangas City); We Band (Cabanatuan City); Stellarskin (Cebu City); Hubito’s Tribe (Cagayan de Oro City).
Ang grand champion ay tatanggap ng P500,000.00, tax free, band start-up support na P300,000.00, music video at album sa pamamagitan ng MCA, at endorsement contract at mga gigs na nagkakahalaga ng P200,000.00 galing sa Red Horse Beer. Ang mga finalist ay tatanggap ng P15,000.00 bawat isa.
Ang mga bandang dating champion ng Muziklaban gaya ng Even, Mayonnaise at Hatankaru ay magtatanghal din sa mga live viewing parties kasama ang Kjwan, Willabaliw at David vs. Goliath.
Para sa World Trade Center, ang General Admission (Outdoor) ay P50.00 (at 2 cups ng Red Horse Beer). Ang General Admission (Indoor) ay P100.00 (at 2 cups ng Red Horse Beer). Ang VIP ticket at P400.00 (may kasamang limited edition na Dickies T-shirt at 2 cup na Red Horse Beer).
Maliban sa Red Horse Beer, ang No.1 Extra Strong Beer, ang Pambansang Muziklaban ay sinusuportahan din ng Dickies, MCA Music, Purefoods Tender Juicy Hotdog, at San Mig Coffee.
Para sa karagdagang impormasyon, mag log in sa www.redhorsebeer.com.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 2, 2024
UNICEF asks Pinoy youth to join U-Report poll
Those between 13 and 24 may take part until July 14.
February 24, 2022
Pilgrims for Peace: Free Rey Casambre and Dr. Naty Castro!
Both Rey Casambre and Dr. Naty Castro are victims of State red-tagging and…
February 21, 2022
CHR Statement on the Arrest of Health Worker Dr. Natividad Castro
CHR is concerned with the manner of arrest and the red-tagging of Dr. Natividad…
salamat ederic! rakenroll!