Populasyon ng Pilipinas

October 21, 2020 update: Narito ang datos ng populasyon ng Pilipinas mula sa Commission on Population and Development:

Ang Philippine population data sa itaas ay pagtataya base sa pinakahuling census noong 2015. Sa ngayon, ongoing pa ang Census 2000.

Ang populasyon ng Pilipinas as of August 2015 ay 100.98 million, base sa 2015 Census of Population ng Philippine Statistics Authority (PSA).

PSA ang pumalit sa National Statistics Office (NSO). Nabuo ito sa bisa ng Republic Act No. 10625. Pinagsama-sama ng RA 10625 ang NSO, Bureau of Agricultural Statistics, Bureau of Labor and Employment Statistics, at National Statistical Coordination Board.

Samantala, base sa 2010 Census of Population and Housing ng NSO, ang total population of the Philippines as of May 2010 ay 92,337,852.

Ang bilang ng census hanggang sa barangay level ay ginawang opisyal ng paglagda ni Pangulong Noynoy Aquino sa Proclamation No. 362 noong March 30, 2012.

Sa mga naghahanap ng pinakabagong statistics ng populasyon sa bawat rehiyon, lalawigan, bayan, at baranggay, i-click ang link na ito.

Ayon sa PSA, 1878 nang unang magsagawa ng official census sa Pilipinas ang colonial Spanish government. Sa first census na ito, nakapagtala ng 5,567,685 katao sa Pilipinas as of December 31, 1877.

Regular na isinasagawa ang Census of Population and Housing sa Pilipinas tuwing ikalimang taon.

314 thoughts on “Populasyon ng Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *