in Pelikula at Telebisyon

Ipinalabas na kagabi sa commercial break ng “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN ang unang teaser ng “Hello, Love, Goodbye” ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Bida sa pelikulang ito ng Star Cinema ang Kapuso actor na si Alden Richards at ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Sa teaser, ipinakita ang sina Alden at Kathryn habang nagtatrabaho at namamasyal sa Hong Kong. Maririnig din ang awit na “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw” ng December Avenue kasama si Moira dela Torre.

Panoorin ang official teaser, na ini-upload din sa social media accounts ng Star Cinema:

Noong una’y parang tsismis lang ang pagtatambal ng dalawa. Si Kathryn ay bahagi ng tambalang KathNiel kasama si Daniel Padilla, samantalang si Alden naman ay si Maine Mendoza ang dating katambal sa AlDub. Pero noong Marso, kinumpirma ng Star Cinema ang pagsasama nina Alden at Kathryn sa isang pelikula.

Kasama rin nila sa “Hello, Love, Goodbye” na isinulat ni Carmi Raymundo sina Maymay Entrata, Kakai Bautista, Joross Gamboa, at Jeffrey Tam.

Post a reply