Sa amin sa Marinduque, kapag may isang taong nagpipilit na gawin ang isang bagay–trying hard kumbaga–sinasabihan siya ng iba ng “Ano baga’t naata-ata ka n’yan, ay indi mo naman pala kaya?”

Medyo mahirap magbigay ng rough translation, pero sa tingin ko, gets na naman ninyo, di ba?

Anyway, may kababayan akong nag-YM sa akin ng isang link. Tungkol daw sa isang Amerikano na nag-comment tungkol sa Jollibee. At dahil Jollibee fan, excited kong binasa ang blog entry na ito. Akala ko, magkokomento ang sumulat na si Pamela Ribon tungkol sa kakaibang sarap ng paborito kong fastfood na kopya, pero nagpataob, sa McDonalds nila.

But no! Sobrang ganado ang tinamaan ng magaling sa pagkukuwento kung paano sila nasuka-suka sa mga hain ng Jollinee–mga pagkaing bukod sa araw-araw na nilalantakan ng milyun-milyong mga Pinoy ay kumakatawan din sa tamis ng panlasang Pilipino!

Ganito ang pambabalahura ng isa sa mga kasamahan ng sumulat sa Yum Burger with cheese ng Jollibee:

“It’s like Wendy’s took all the goo that comes out of their burgers when they’re done cooking them, pressed that down into a mold, froze it in a patty shape, and exported it to the Philippines, where they put it between some bread, put pink sauce on it and sent it back here.”

Medyo nakakapikon. Subukan mong basahin ang buong entry.

Kung tutuusin, alam naman ng mga diyaskeng ito na di sila dapat maging ganoon ka-insensitive. Sa simula pa lang ay nabanggit na nilang ayaw nilang maging “Ugly American”– na ang ibig sabihin, ayon na rin sa sumulat–ay:

“That’s someone who can’t step foot into a room that’s slightly different without being filled with slack-jawed awe, all lifted eyebrows and rolling tongue, shocked and gasping at everything that looks slightly different from normal.”

Pero base sa naging kilos nila, na ikinuwento pa sa buong cyberspace, mukhang ganoon nga ang nangyari.

Nang i-YM ko ang link sa isang kaibigan kong si Ka Martin, ang wika niya’y “they should be declared personas non grata”.

“They can declare Claire Danes a persona non grata for saying Manila smells like cockroaches, they should do the same to Pamela Ribon. Claire Danes looks like an angel compared to her. They should be blacklisted at immigrations,” wika pa niya.

Habang isinusulat ko ito, hindi na ako masyadong nanggagalaiti. Inaalala ko na lang ‘yung sinabi dati ni Sassy Lawyer tungkol sa mga Kanong nag-aaway sa atin dahil sa pag-pull-out ng tropa sa Iraq para mailigtas si Angelo de la Cruz. Ganito ‘yun: “Be kind to…” at alam na ninyo ang karugtong.

Isa rin sa mga unang naisip ko ay ang salitang natutunan ko sa isa sa mga guro ko sa Unibersidad ng Pilipinas: ethnocentricity.

Na siyang ipinamukha sa kanila ng isang kababayan natin sa na nag-post sa forums ni Pamela. Wika niya sa mga Kano:

YOU OBVIOUSLY LACK ATTENTION SINCE ASIDE FROM CRITISIZING AND MAKING FUN OF THE FOOD THAT EVERYBODY ELSE AROUND YOU WAS EATING (THIS I HAVE ALWAYS CONSIDERED RUDE), YOU GO ON DESCRIBING YOUR “HORRIFIC” EXPERIENCE LIKE IT WAS THE WORST THING IN THE WORLD. WATCH NATIONAL GEOGRAPHIC, WATCH DISCOVERY CHANNEL, AND BE EDUCATED THAT THE WORLD OUTSIDE AMERICA IS MUCH BIGGER AND FAR MORE INTERESTING.

Kanina, ganito ang naiisip ko i-post: Maata-ata kang pumasok sa kainan namin, maga-inarte ka rin laang naman pala. Uwi raw sa inyo! Leche ka!

Pero dahil mabait ako, dito ko na lang inilagay. Mabasa man nila, at least nagkakalat man ako’y nasa sariling “pamamahay” ko ako. Di katulad ng iba, dumarayo pa para ipakita ang pagiging “ugly American.”


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center