Ang taong naghahangad ng katahimikan, dapat daw munang manahimik. Pero ang mga pilit na pinatatahimik, hindi naman matahimik. Ang tanong, bakit si Pangulong Gloria, tahimik?

Naglabas lang pahayag si Sec. Ignacio Bunye na ayaw raw patulan ng Pangulo ang materials (yung tapes) na mismong ang mga nagpakalat ay aminadong nakuha nila ito sa ilegal na paraan. Kakaiba! Dati, sila itong nagkandarapa sa pagpaalam sa publiko na may ganitong tapes. Ngayon, ayaw na nilang pansinin ang isyung iniluwal nila.

Habang ayaw umamin ng Pangulo kung siya ba ang nasa kontrobersiyal na tapes, dumarami naman ang humihiling na magsalita na siya.

Kakanta na kaya si Presidente? Sabi ng isang text joke na natanggap ko, malabong mangyari ito.

Sa dami ng mga batikos,
hindi magawang magsalita
ng ating Presidente.

Bakit?!
.
.
.
.
.
Mahirap na! Baka mabosesan!

Kung seseryosohin naman sa isa pang joke na natanggap ko, mukhang hindi magtatagal ay magkakaroon na ng sagot ang Palasyo sa isyung ito.

Latest news update:

IGGY ARROYO IS NOW PRACTICING THE VOICE OF GMA.

Sa palagay ninyo, bakit tahimik ang Pangulo?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center