Minsan, kapag pinipili nating paligayahin ang sarili at unahin ang ating pangangailangan bago ang kasiyahan nila, minamasama ito ng ating partners.
Mabuti kung simpleng panunudyong “Ganyan ka na ngayon!” o “Ay naku, nagsosolo!” ang ihihirit sa atin. Pero paano kung sa halip ay tawagin taying “mahina ang tuhod” o “duwag” at “umaatras sa laban”?
‘Yan ang simula ng ang pinakahuling article ko sa Peyups.com. Basahin ang buong article, na dati’y nasa http://www.peyups.com/article.khtml?sid=3717:
Pagsosolo
Minsan, kapag pinipili nating paligayahin ang sarili at unahin ang ating pangangailangan bago ang kasiyahan nila, minamasama ito ng ating partners.
Mabuti kung simpleng panunudyong “Ganyan ka na ngayon!” o “Ay naku, nagsosolo!” ang ihihirit sa atin. Pero paano kung sa halip ay tawagin taying “mahina ang tuhod” o “duwag” at “umaatras sa laban”?
Nasa ganyan tayong kalagayan ngayon.
Bago pa man tayo himukin ni Samuel na makisali sa gang rape sa Babilonya, ilang taon na tayong tinitigasan at naglalawa sa antisipasyon. Kiliting-kiliti kasi tayo sa pakikipag-isa sa kanya. Handa tayong makisugba sa lagablab ng init niyang magdadala sa atin sa impiyerno, pero sige lang tayo nang sige. Bukaka pa rin nang bukaka.
Kaya naman nang maganap na, nakidawit na rin tayo sa panggagahasang pinalabas pa ngang matuwid sapagkat puputol daw ito sa ugat ng takot na nakaamba sa ating lahat at pipigil sa pagsasamantalang dinaranas ng biktima mula sa sarili nitong ama.
Habang tayo’y kasali sa pangangalunya sa Babilonya ng barkadahan ng mga manyakekoks, nagambala tayo ng isang panganib. Kinailangang hugutin ang sa atin, kung hindi’y mamamatay ang isa sa atin. Matapos ang pag-aatubili, tayo’y nagpasyang kumalas.
At ngayon nga, dahil sa pag-iwan sa kanilang orgy, ngayo’y halos itakwil tayo ng ating mga umano’y kaibigan.
Pero kung tutuusin, sa mga ganitong panahon, masarap at dapat tayong magsolo muna. Nagkakaroon tayo ng panahon upang kilalanin ang ating sarili at tiyakin kung ano ang makabubuti sa atin.
Ang pagsosolo ay isang magandang aksyon tungo sa totoong pagsasarili.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
February 29, 2024
Converge paints the nation purple, boosts fiber internet plans
FiberX Plan 3500 is now 1 Gbps!
loan calculator
loan calculator We can imagine how this savoured would be handled by the wait-and-see suburb’s of our slane ; how th