Umagang-umaga, nagba-blog ako. Mukhang bang nagpapa-bandying-bandying sa opisina kahit kapuputok lang ng mainit na balitang lumantad na si Rodolfo Noel Lozada at idiniin sina ex-Comelec Chair Abalos at FG Mike Arroyo?
Hindi naman. Ang totoo niyan, nasa bahay ako’t nakapagpadala na ng material sa opisina. Ansarap ng ganitong sa bahay nagtatrabaho. Puwede kang nakahubad habang nasa harap ng computer kong naka-Ubuntu at mabilis ang Internet habang umiinom ng tsaa.
Panghapon na ako ngayon. Palpak yata kasi ako sa umaga. Lagi ring ngarag at napipikon sa pinakamabagal na computer sa buong Galactic Force.
Maaga akong nagising kanina, at agad na na-excite sa balita kaya nag-home office mode. Medyo gutom na ako, pero pangako ko kasi sa sarili ko na mag-blog muna ngayong umaga. Andami ko nang hindi naiikuwento sa dalawa o tatlong nagbabasa ng ederic@cyberspace.
Sana maganda ang kauwian ng pagbabagong ito.
Hay, inaantok na ako ulit, pero kailangan ko pang pumunta sa post office at bumili ng doorbell. Saka na lang kaya yung doorbell, no?
Sabi ni Mhay, may tikoy raw kami galing bagong cyberceleb na si Cesar Apolinario.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Ayos – may kasama din na may Ubuntu 🙂