Lagi nating sinasabing napakabilis ng paglipas ng panahon.
Ang mga pamangkin mong batang tila kapapanganak pa lamang, sa isang buwan ay mag-iisang taon na. Ang asteeg na binibining noo’y gusto mong pormahan pero alinlangan ka dahil baka hindi ka man lang tapunan ng sulyap, ngayo’y tatlong taon mo nang kasintahan. Ang paborito mong proyekto, limang taon nang online. Ang dakilang martsa ng pagtatapos mo sa kolehiyo na tila kahapon lamang sa iyong alaala, naganap pitong taon na ang lumipas. At ang mga unang hakbang na puno ng pagkamangha, kasabikan, at kabang dala ng pagsisimula sa pamantansang hirang–na hanggang ngayo’y sariwa pa sa iyong gunita–isang dekada’t isang taon na palang pinilas sa kalendaryo.
Sadyang kaybilis nga ng panahon. Ngunit napapansin kaya nating ang taong lumilipas ay binubuo ng mga buwan, linggo, at araw–at ang bawat araw ay gawa ng mga oras, minuto, at segundo?
Sa bawat araw ng buhay natin, ilang oras, sandali, at saglit ang nasasayang? Gaanong panahon ang lumilipas nang di natin namamalayan?

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
yAh rYt!!..aNg bLis nGa LanG nG oRAs>>>
tunay na napakabilis ng oras. at tila hindi na natin namamalayan ang paglipas nito.
mahusay ang pagkakalahad ng mga sanysay. 😀
yeah! parang kailang lang
ngayon tinatanaw ko na lang sa ala-ala
isang kasaysayan na lang
ang nakalipas