Ngayong anibersaryo ng EDSA People Power I, dapat ay si dating Pangulong Corazon Aquino ang nasa limelight. Mahigit 21 taon na mula nang maglakas-loob siyang hamunin ang diktador, at sa tulong ng sambayanan ay mabawi ang ating kalayaan at maibalik ang demokrasya.
Siyempre, ibang usapan na kung ano ang nangyari pagkatapos ng EDSA, at kung paanong sa kabila ng isa pang pag-aalsa ay unti-unting nananamlay na naman ang ating demokrasya at nasasakal ang ating kalayaan.
Dahil ngayong linggo rin ang unang anibersaryo rin ng Proclamation 1017, dapat ay mas nagiging napapanahon ang pagtalakay sa mga usapin ng karapatang pantao–lalo na sa mga patuloy na pagpatay sa mga aktibista at sa sa wakas ay paglabas ng ulat ng Melo Commission.
Pero sa halip pero sa halip na ang mga ito ang nasa kamalayan ng bayan, ang naiisip natin ay si Big Bird o ang basketbolistang si James Yap, ang lumulunokna si Hope, na dati raw empleyado ng Belo Medical Group, at kahit paano, ang isang Aquino–si Kris–na isinugod sa ospital.
Sadyang ganyan ang kalakaran. Mas nakakatawag ng atensyon ang showbiz at eskandalo, kaysa sa mga usapin ng kalayaan at karapatang pantao. Kung hindi ganoon, wala ang blog entry na ito.
Maging ako, nang kuwentuhan ng pinsan ko tungkol sa style nina Big Bird at alias Hope, napasugod sa Philippine Entertainment Portal para makiusyuso.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.
sana bigyang pansin ang PEOPLE’S POWER anniversary coz lahat ng nasyon ay humanga sa event na yon. not sure kung dineklarang public holiday eto dahil exiled na ako dito sa ibang bansa..proud to be a part of PEOPLE’S POWER…
” lest we forget PEOPLE’S POWER ! “
gusto ko makita ang pangasiwaan ni pangulong Cori Aquino
Village Tickler: Sabi ng isang kaibigan ko kagabi, patok si Kris Aquino sa mga tao dahil sa kabila ng pagiging ‘di pangkaraniwan ng kanyang mga magulang, ang mga bagay na pinagkakaabalahan ni Kris ay kagaya lamang ng mga concerns ng common tao.
Shari: Sobrang magkakabit na nga ang pulitika at showbiz natin. :p
Showbiz ang kalakaran, kahit sa pulitika. Hindi maiiwasan. Sabi nga ng iba, “Typical Pinoy”.
Ederic,
Ganyan din ang nangyari sa proclamation rally ni Noynoy sa Club Filipino. Imbes na ang ‘news’ ay si Noynoy, naging balita ang pagtatakda ni Kris ng kapanganakan ng kanyang ikalawang anak.
Magaling talaga si Kristeta.
Village Tickler