Nang magsasayaw si Tessie Oreta noong gabing mahinto ang impeachment trial ni Erap sa Senado, namarkahan na ang karakter ng Senado ng ating bansa sa kasalukuyang panahon.
Kanina, halos manggipuspos ako sa kalaswaang napapanood kong nangyayari sa session hall ng Senado. Naroon, nagtatalakayang tila mga ministro at tagasunod ng ilang kilalang sekta ang mga senador na taga-oposisyon–karamihan sa kanila’y siya ring mga mukhang humamak sa demokrasya noong Enero 2001 sa pagtatangkang iligtas ang kanilang among magnanakaw.
Kahapon, ang isa sa mga Balato Twins, si John Osme?a, ay lumipat sa oposisyon. Dahil doon, naging mas marami ang labindalawang mga taga-oposisyon kumpara sa labing-isa ng administrasyon (sapagkat si Ramon Revilla ay nasa Amerika at nagpapagaling).
Kaagad na kumilos ang oposisyon, nagbukas ng sesyon ang isa sa kanila kahit na ayon sa mga regulasyon ay tanging ang Pangulo ng Senado at kanyang mga kasunod na opisyal lamang ang maaaring gumawa nito. Kaagad na sinunggaban at inako ng oposisyon ang pamunuaan ng iba’t ibang komite.
Idineklara ni Franklin Drilon, Pangulo ng Senado, ang pagsasara ng sesyon kagabi, ngunit sa kabila nito’y nagsama-sama pa rin ang nagsasabing sila’y “bagong mayorya” kanina.
Ang kudetang ito sa Senado ay nagpapakita ng lantarang oportunismong kaakibat ng pulitika sa Pilipinas. Bago ang kudeta, may report ang isang komite sa Senado na nagrerekomendang kasuhan ang ng kidnapping at drug trafficking si Panfilo Lacson, isang kasapi ng oposisyon. Samantala, ang bumalimbing na namang si John ang napapabalitang siyang susunod na Pangulo ng Senado. Ano ngayon ang iisipin natin?
Ganito ang reaksyon ng isang cyberfriend ko sa nagaganap sa Senado: “Am revolting on the way they are bastardizing the entire legislative process. KAINIS! MAMATAY NA SILA!”
Ang sabi ko naman: “Siguro’y napapakendeng sa katuwaan si John at mapapasayaw na naman si Tessie!”
Kayo, ano’ng masabi ninyo?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…