“PHILIPPINE ISLANDS FOR SALE!â€
I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-30 ng Abril, 2007
Binubuo ng 7,107 na isla ang Pilipinas, mumunting mga pulong maikukumpara sa pinakamagagandang isla sa buong mundo. Pero akalain mo bang kung meron kang 20 million piso, puwede ka nang bumili ng isang malaki-laking isla sa Palawan?!
Sa dokumentaryong ito, sisiyasatin ni Sandra Aguinaldo ang talamak na bentahan ng mga isla sa Palawan at ang epekto nito sa mga residenteng katutubo ng nasabing probinsya.
Makikilala ni Sandra ang mga tao sa likod ng isang website na nagbebenta ng isla sa mga dayuhang investor. Bagamat ipinagbabawal ito sa batas, nakasaad sa website ang mga paraan para makabili ng isla sa Pinas ang isang dayuhan!
Iikutin rin ni Sandra ang Busuanga para bisitahin ang ilang mga taong nagmamay-ari ng kani-kanilang pribadong isla. Ang North Gate Island halimbawa na isang maliit na isla, nakuha lang ng isang retired government employee, sa halagang limang libong piso!
Pupuntahan din ni Sandra ang mga katutubong Tagbanua na napatalsik sa kanilang mga ancestral islands dahil umano sa island grabbing.
Bisitahin ang mga naggagandahang isla sa Palawan bago pa ito maging pribado sa dokumentaryong “Philippine Islands For Sale!â€, I-Witness, Lunes ng hatinggabi sa GMA.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 21, 2022
Publishers bullish on APAC market, concerned about misinformation — SOPA report
"The News Sustainability: Investing in the Future of Asia-Pacific's…
June 24, 2022
Reporting the truth is not terrorism
NTC's order for ISPs to block the websites of independent media outfits sets a…
March 25, 2022
PressOne.PH to Launch ‘Truth Hour’
PressOne.PH, an independent news organization, will launch “Truth Hour” to…
@kurokuroko: welcome po.
@eric: sana nga mag-upload na sila sa youtube.
@claire: oo nga, mababawasana ng 7107 islands…
@ajaw: Pag pumunta ka rito sa office, bili ka na lang sa kanila. 😉
uy ba’t di ko laam ‘to? gRrrr talaga yang mga Bwakan*** *** nyang mga gahaman sa salapi pati sariling bayan ibinebenta sa kung sinong mga bwakan*** ***!!! GRRRR,… malunod sana silang lahat!
maisama kaya ito sa susunod na I-witness DVD?
saan po ako makakakuha nung mga I-Witness DVDs? Hindi kase ako nakakapunta sa mga events nila sa megamall eh 🙁
i havent watch the show kasi poh may pinuntahan kami..
nakakarinig na ako nang mga ganung bagay…kahit nga dito sa negros parang ganun na rin…
thats too bad..
i think our president should focus on that also..
wag naman nating gawing supermarket itong bansa natin..
maliit na nga, pinapaliit pa…dahil unti unting na wawala young mga islang dapat sana ay atin…
waaa di ko to napanood kagabi. pero aware ako na may bentahan nga dyan i saw a website before. but i never ever thought that it was illegal.
sana may I-wintess episode na to sa youtube.
maraming salamat po! sana maraming manood. 🙂