Pagbukas natin kanina ng Uber app sa ating cellphone, ganito na ang mensaheng bumungad sa atin: “Unfortunately, Uber is currently unavailable in your area.”
Tuluyan nang tinapos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng Uber sa Pilipinas. Inatasan ng LTFRB ang Uber na itigil na ang operation nito sa bansa matapos bilhin ng dating kakompetensiya nitong Grab ang Southeast Asia operations ng Uber.
Isa ako sa mga pasaherong nalulungkot at nanghihinayang sa paglisan ng Uber. Dati ko nang ikinuwento ang pagkakaiba ng karanasan ko sa mga taxi at sa Uber.
Totoong binago ng Uber ang kuwento ng pagko-commute sa Kamaynilaan. Ginamit nito ang dalawa sa pinakapaboritong teknolohiya ng mga Pilipino — ang cellphone at ang internet. Sinanay nito tayo sa mga Uber driver na pakiwari nati’y tiyo o tiya, katrabaho, kapitbahay, o kaibigan. Naging mainstream ang respeto at positive vibes sa biyahe. Minsan, unli ang kuwento.
Lagi kong sinasabi, mahigit 90% ng sakay ko sa Uber, magandang karanasan. Pero gaya nga ng sabi sa isang kanta, some good things never last.
Sa Uber Philippines at sa mga taong nagpatakbo nito, hanggang dito na lamang at maraming salamat! Sana, magbago ang sitwasyon balang araw at muling maibalik ang masaya nating biyahe.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
May 30, 2024
Catch the magic of World of Frozen on Disney+
Two World of Frozen titles coming on June 7.
May 9, 2024
Special offers await Manila Hotel guests this May
Check out The Manila Hotel's Mother's Day deals.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.