Nahihirapan na naman akong huminga nitong mga nakalipas na araw. Parang mababaw ang hinga ko — di nakakarating sa baga o puso ang hangin — kaya’t kailangang hugutin maya’t maya.
Nang huling magkaganito ako nang medyo matindi, sumugod kami ni Mhay sa St. Luke’s at nilagyan pa ako ng oxygen tank, pero matapos ma-check up ay nakauwi rin agad. Gastro Esophageal Reflux Disease ang sabi, o baka yung condition that could lead to GERD naman.
Halos dalawang taon na ang nakalilipas, na-diagnose naman akong bordering on hypertension. Pero nag-exercise ako nang konti at nagbago ng kinakain, kaya naayos ang BP ko. Nitong mga nakalipas na linggo, lagi akong naba-bad trip sa mga bagay-bagay (gaya ng computer), tapos kain pa nang kain nang matatamis. Pero sa awa ng Diyos, ayos pa naman ang BP ko. 120/80 pa rin — normal — as of Friday.
Sana stress lang ito. Magpapatingin na ako mamaya. Kailangan ko na rin sigurong mag-enroll sa gym at tingnan kung magagamit ko ba ang Google Health.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Did You Know?: Patingin ka na rin.
Ate Dory: Thanks po. 🙂
Awww. Im so sorry to read this about you. I hope ur ok. Yeah go and consult a GP. Post some more things here I wanna know how u doin. K
ganyan rin ako kung minsan. kawawa ka naman