Gigil si Imee Marcos sa 7-Eleven at iba pang convenience stores. Kumpara sa sari-sari stores, mas mataas at “astronomical” daw kasi ang presyo ng mga paninda sa 24/7 stores.

Todo-paliwanag naman ang netizens kay Imee. Ini-explain nila na hindi gaya ng sari-sari stores, mas mataas ang operational cost ng convenience stores. May renta, may buwis, may guwardiya, may aircon, at bukas maghapo’t magdamag ang mga ito.

Bilang isang opisyal na may responsibilidad na gumawa ng mga batas, ini-expect natin na malawak ang kaalaman at pang-unawa ng mga gaya niya sa mga bagay-bagay sa ating buhay.

Masyado na kayang mahal ang common sense at pati ang isang Marcos, hindi ito ma-afford?

Sa kabilang banda, hindi rin naman ito nakapagtataka. Sa ilang politiko, di na baleng magmukhang tanga, makaiskor lamang ng publicity. Pero dapat nating tandaan: hindi bawal magpasikat. Hindi rin bawal mag-isip.