Patuloy na lumalala ang krisis ng rehimeng Arroyo. Kung ang Juetengate 2 ay nag-uugnay sa eskandalo sa mga kamag-anak ng Pangulo, ang master tape na nasa balita ngayong araw ay tumutukoy kay Gng. Arroyo mismo.
Lumutang kanina si Atty. Samuel Ong, isang dating opisyal ng NBI, upang sabihing totoong nandaya si Arroyo sa nakalipas na eleksyon. Hawak daw niya ang ebidensiyang magpapatunay dito.
Isang master tape raw ng pag-uusap nina Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano ang dala niya. Nanawagan si Ong na magbitiw na si Arroyo.
Maaaring ma-download upang mababasa at mapapakinggan sa PCIJ blog ang kontrobersiyal tape.
Sa kabilang banda, siyempre ay patay-malisya ang Palasyo.
“President has not violated any law and is not charged with any crime,” wika raw ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ayon sa ulat ng INQ7.net.
“We have started Phase Two to broaden the benefits of economic stability, while they sit idly by and want power to be handed over to them on a silver platter,” ayon pa raw kay Bunye.
Naalala ko tuloy ang mga linya ni Dong Puno, dating press secretary ni Erap bago siya mapatalsik.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
student loans
student loans On swingeing into this government, they apprehended that the other States, not knowing the necessity the i
mga tsong pa send naman ako copy nung gloriagate…
itchiro_ph@yahoo.com
tol, pwd ba akong humingi ng cop[y ng wire tapped conversation ni pgma? pls……
paki send sa email ko. salamat
Agree ako sa sinabi ni Patrice. Sinisisi nila ang mga taong umalis ng bansang Pilipinas, tinatanong kung masaya ba sa pagpili ng ibang nationality, pero hindi nila tanungin ang mga makabayan kuno na nag tatrabaho nga sa gobyerno pero mga corrupt pala. Sino ba ang mas karumal dumal?
Ganyan na lang ba ang mangyayari sa Pilipinas?
nakakalungkot mabasa at marinig ang ganitong mga balita lalo na para sa aming mga nasa ibang bansa. bakit ganon? sinisisi nila ang mga pilipinong lumilisan sa bansa upang makapaghanap ng mas maginhawang buhay pero bakit ang gobyerno, di mareporma? bakit hindi tayo magkaroon ng presidente na ang tanging hangarin na lamang eh paunlarin ang ating bansa hindi ang kanyang bulsa? nakakalungkot talaga.