Kahapon, may feature story tungkol sa mga Kapusong blogger sa programang 24 Oras ang GMA-7 reporter na si Sherryl Yao.
Itinampok sa istorya ang mga blogger na nagsusulat tungkol sa mga palabas ng GMA-7 gaya ng Mulawin at Jewel in the Palace. Sina http://www.dennislazo.com” target=”_blank”>Dennis Lazo at Ka Webspy ang mga kinapanayam, at ipinaliwanag nila kung bakit sila nagba-blog tungkol sa mga nabanggit na GMA-7 shows.
Ikinatuwa naman ng GMA-7 ang pagkakaroon ng mga ganitong blogs. Pero ang “pakiusap” ni Carmencita Arce, Corporate Communications head ng GMA-7, sana raw ay ipagpaalam sa Network ang paggamit ng mga larawan mula sa mga palabas. Dapat daw ay malinaw ding isaad na ang himpilan ay walang kinalaman sa unofficial blogs.
Maaari ninyong mapanood ang Kapuso bloggers story sa post na ito ni Dennis. Naroon din ang links patungo sa iba’t ibang Kapuso blogs.
Tumulong ako sa pagbuo ng feature na ito. Maraming salamat kina Dennis at Ka Webspy sa pagpapaunlak, at kina South Rock at Splasher, at sa Nokiahost sa kanilang mahalagang tulong.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
August 22, 2022
Jollibee opens in Times Square
Jollibee on Thursday officially took its place at "the crossroads of the world"…
[…] I am very much inspired by this. Last time, I was interviewed by the Ms Sheryl Yao of the GMA7, then I was recognized by the Digital Filipino after squatting the first position of […]
Hi Ederic,
Nagbabalik-tanaw lang po. I kinda miss the old Mulawin days sometimes. Thank you for your article!
SR
P.S. Wala kayang job opening sa GMA for freelance writers? 😀
Ganyan talaga kapag nananaliksik. Sisingit at sisingit. Hehehe. 🙂
welcome eric 🙂
ang galing mo nga eh…
natunton mo kami hehehe…
thanks for the story, man!