Inilibing na kanina si Jaime Cardinal Sin. Siguro hindi tayo masasanay sa katotohanang wala na siya sa mundong ito. Tulad ng maraming mga dakilang tao na dumaan sa ating kapanahunan, mananatiling buhay si Cardinal Sin sa ating alaala at kasaysayan.

Nakasama siya ng ating mga magulang sa paglaban sa diktaduryang Marcos at sinunod ang kanyang panawagan sa EDSA People Power Revolution. Naroon din siya sa ating mga matsa sa Mendiola laban sa Cha-cha noong panahon ni Pangulong Ramos, at pagkatapos ay laban sa Concord ni Pangulong Estrada. Tinawag niya tayo papuntang EDSA Shrine noong People Power 2–pero ‘di niya tayo sinamahan sa Mendiola.

Malapit siya kay Pangulong Arroyo, at sa gitna ng pampulitikang krisis ngayon, iniisip natin kung saan siya papanig kung siya’y narito pa.

Ang kanyang pagpanaw ay ikinalungkot ng marami–nagkakaisa sa pagluluksa pati magkakaibang ideolohiya–mula Santo Papa hanggang kay Jose Maria Sison.

Sa araw na ito, namaalam ang Pilipinas sa isang minamahal na pastol.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center