Maliban sa kaarawan ng mga kapamilya’t kaibigan at sa Buwan ng Wika, ipinagdiriwang ko rin ngayong Agosto ang isang dekada ng pag-i-email. Agosto 6, 1997 nang una akong magkaroon ng e-mail address mula sa Mailcity, na ngayon ay bahagi na ng Lycos Network.

Nasa post na Cybersenti ang buong kuwento tungkol sa unang e-mail address ko.

Sa loob ng sampung taon, marami pa akong naging e-mail addresses mula sa iba’t ibang libreng provider gaya ng AMAnet, usa.net, Pinoymail, Hotmail, Edsamail, Crosswinds, Mail.com, HotPop, Surfshop at siyempre, Yahoo.

Ngunit nag-iba ang lahat nang dumating ang GMail, na siya kong pangunahing email account ngayon, dahil sa mga bago at kakaibang features nito.

May ginagamit din akong address mula sa Tinig.com, TXTPower, at UPAlumni.net–lahat ng mga iyan, gaya ng Surfshop e-mail ko, Gmail-powered na rin. Ngayon, nababasa ko na rin ang mga e-mail maging sa aking smart phone.

Sa loob ng sampung taon, di mabilang na mga alaala, emosyon, trabaho, kwento, spam at kung anu-ano pa ang tinanggap at ipinadala ng mga e-mail accounts na iyan. Sa susunod na dekada, sana’y marami pang mga sorpresa at tuwa ang matanggap at maipadala ko sa pamamagitan ng e-mail.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center