Monghe mode na naman ako: nagkukulong sa bahay sa mabagyong araw (at gabing) ito.
Habang humahagibis si bagyong “Harurot” o kilala sa mundo bilang si “Imbudo,” nakikipagniig naman ako sa PC kong si Marj. Lumalambilambitin ako sa sapot ng Web. Sulat, kuwento, nood.
Nakabangga ko nga si kaTinig na Dennis at na-inspire akong magsulat tungkol sa buhay at bagyo dahil sa ikunuwento niya:
Galit ako sa bagyong ito kasi kanina inaagaw yung atensyon ng klase. Pati yung mga print-out at attendance sheet ko hinihigop ng mga bukas na bintana. Parang pati yung mga salita ng lektyur ayaw pabayaang makarating sa klase. Katatapos pa lamang mamutawi, binabara na agad ng mga puno’t dahong nagsisihampasan sa galit at ng mismong hanging marahas na sumasagitsit ng mga sanga. May bayolenteng reaksyon yata sa mga pinagsasabi ko! Buti na lang, yung klase nagpapaniwala pa sa akin. (Mula sa Tekstong Bopis)
Sa pamamagitan ng Web, nag-text din ako sa aming lalawigan upang kumustahin ang hagupit ni Harurot doon. Wala naman daw masyado, ulan-ulan lang.
Pero sa ibang bahagi ng bansa, anim na ang kinuha ni Harurot, na napapaulat na pinakamalakas na bagyong dumapo sa atin sa loob ng nakaraang limang taon.
Ayon sa report ng Inq7.net, apat na high school students at isang tricycle driver ang nabuwalan ng puno sa Romblon at isa ang nalunod sa Cagayan.
Ingat kayo kay Harurot.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Sori kagigising ko lang.. may bagyo pala. tsk! tsk!
naiinis ako kay bro. ernie baron (ka-brod ko siya sa church) kapag sinisingitan niya ng meteor garden ang weather report niya.
sa maynila, damang-dama ang epekto ni harurot. dito sa elbi, tuloy ang klase, parang bisita lang siyang nakikigulo. 🙂
Mukhang hindi na gaanong humaharurot si Harurot. Sa huling report ng pagasa ay wala ng signal ng bagyo dito sa Metro Manila. Samantala, patuloy naman nitong binabayo ang mga lugar ng Ilocos at Abra. At yan ang ulat panahon, ako si Ernie Baron. Balik sa’yo Korina. 🙂