May kakilala akong taga-amin sa Santa Cruz, Marinduque na nag-aral ng kolehiyo sa De La Salle University. Minsang nagkita kami, naikuwento niya ang isang “Pasalubong ng Bayan” episode sa buhay niya.

Minsan daw na pauwi siya sa probinsiya namin, na-bad trip siya dahil inasar-asar siya ngmga kababayan naming alaskador. Medyo masikip kasi ang labasan ng mga barkong sinasakyan namin, kaya nagkakasiksikan sa paglabas. Eh itong si Madonna, may bitbit na kahon ng Goldilocks. Kaya sabi ng mga alaskador, “Oi, padaana naman ninyo si Miss. Huwag ninyong sig-itin at mapipipi ‘yung cake niya.” (Paraanin ninyo si Miss. Huwag ninyong siksikin kasi mapipipi ‘yung cake niya.) Pagkatapos noon, may humirit daw ng “How sweet, how Goldilocks.”

Nakuwento ko ‘yan kasi napanood ko sa TV kani-kanina lang na may mga bumibisitang may dalang cake kanina sa tanggapan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (Isafp). Gaya ng alam natin, doon nakakulong sina Kapitan Trillanes. So, totoo palang kaarawan niya ngayon.

Noong isang araw kasi, nag-text ang aking Lakambini na may kaopisina raw siyang nagsabing dapat magpapansit sila sa Agosto 6 kasi birthday ni Trillanes. At sabi pa niya, lalaki ‘yung nagsabing nu’n. Sikat na sikat talaga ang birthday boy, hehehe.

By the way, may mga bold star na maglulunsad din daw ng kudeta. Ang pangalan ng kanilang grupo ay Magbaro!

Seryoso naman tayo. May privilege speechh si Senador Joker Arroyo sa Senado kanina tungkol sa Senado noon at Senado ngayon. Noong 1989 daw, pagkatapos ng kudeta, kaagad na nagpasa ng batas para sa “emergency powers” at nagpahayag ng pagsuporta sa Pangulo ang Senado. Ngayon daw, ang ginawa ng Senado at Kamara ay mag-imbestiga at lalo pang pinapasikat ang mga rebelde. Bakit daw ganoon?

May punto ang paborito kong si Senador Joker. Sa istriktuhang usapin ng pag-iral ng batas, tama siya. Pero palagay ko, alam niya na rin ang sagot kung bakit kahit ang mga mamamayan ay nakikisimpatiya pa ngayon sa mga nagrebeldeng sundalo.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center