Napanood namin noong Biyernes ang Harry potter and the Goblet of Fire. Para sa mga katulad kong mula sa simula pa’y sumubaybay na sa pakikipagsapalaran ni Harry at ng kanyang mga kaibigan, ang unang-unang pagbabagong mapapansin ay ang paglaki ng mga bata. Binatilyo na sina Harry at Ron, at dalagita na si Hermione. May selosan na ngang naganap bunso ng pamimili ng kapareha sa kanilang sayawan sa Hogwarts.
Pero siyempre, ang pinakamahalagang bahagi ng pelikula ay ang pagkakasali ni Harry sa Tri-Wizard competition. Sa paligsahang iyon, muling nakita kung anong klaseng tao si Harry: sa halip na unahin ang sarili, lagi niyang pinipilit na makatulong. Tiyak na masaya ang mundo kung lahat tayo ay tulad ng batang ito.
Sa mga hindi pa nakakapanood, panoorin ninyo. Siguro naman, ngayo’y hindi na ganoon kasikip sa mga sinehan. Kahit magkaiba ang direktor, tulad ng Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, “madilim” ang pelikulang ito. Parang laging may ulap na nakalambong. Pero sobrang nakakatawa ang mga nakakatawang eksena, at nakakakaba ang mga kahindik-hindik na tagpo. At kahit malaki na ako, medyo natakot ako sa una sa hitsura ng nagkatawang taong si Voldemort. Sumiksik nga ako kay Mhay, eh.
Maraming nanghinayang sa hindi pagkakasama ng ilang tagpo at karakter mula sa aklat. May mga pagkakaiba rin sa hitsura, halimbawa, ng mga karakter na inilarawan sa libro at sa kinalabasan nila sa pelikula. Sayang nga naman. ‘Yun ang isang limitasyon ng pelikula. At di tulad ng mga nauna, hindi masyadong naipakilala ang mga karakter. Parang inaasahan ng mga gumawa na napanood mo na ang tatlong naunang pelikula, o nabasa mo na ang aklat. Sabagay, mas masarap talaga kung nabasa mo na yung libro.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
May 12, 2024
Heartfelt movies and series for mom on Lionsgate Play
Celebrate moms with laughter, tears, and heartwarming stories.
speaking of the movies… mas ok itong episode na ito kaysa sa pinaka-latest, yung Order of the Phoenix. bitin itong huli eh
speaking of books naman, nasa book TWO na ‘ko. hahaha. loser.
Pahiramin kita. Meron ako. 🙂
buti na lang nabasa ko yung libro. patay, yung mga sumunod hindi na. oo nga, ang ganda ng goblet of fire. ang kulit ni myrtle haha! ire-recommend ko ito sa mga nagtuturo at nag-aaral ng adolescent sexuality/sex education.