Hindi ako nakadalaw sa kanilang mga puntod ngayon o kahapon. Hindi ko na rin nagawang dumaan sa UP Chapel upang magtirik ng kandila. Kaya ang paggunita ay sa aking puso ko na lamang isasagawa at ang pagpaparangal ay dito ko gagawin.

Para kay Mama
Mama‘Ma, eto yung awit ng last dance natin, o:

Paglisan

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito’y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Hmmm


Sa pagbuhos ng ulan Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin ahhh
Di man umihip ika’y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan
Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ooh ooh ooh ooh

Para kay Papa
Papa‘Pa, gawa ko ‘to. dedicated ko sa ‘yo yan, based sa kapirasong impormasyon tungkol sa iyo na alam ko:

Usok

Isang stick lang
Isa lang talaga
Minsan
Pero gaano katagal
Ilang segundo, minuto,
Oras o araw
Ang babawasin
Sa usok na buhay
Na inihinga ng Ama
Tinatahak ko ba
Ang landas ni ama?
Hindi. ‘Wag naman sana!

Para kay Tatay
Tatay Andoy at akoTatay, wala po akong awit o tula para sa inyo. Isang malaking salamat lamang po ang nais ipahatid ng inyong panganay na apo. Alam kong ipinagmamalaki ninyo ako. Ganoon din po ako, ipinagmamalaki kong kayo ni Nanay ay nag-aruga sa akin na parang ako’y inyong bunso.

Kina Tiya Juana, Tiyo Mariano, Tiya Irmi, Ate Alma, Ate Marina, Niño,
at iba pang mga naunang kamag-anak at kaibigan:
Ipinagdarasal ko ang kapayapaan ng inyong paghimlay. Salamat sa tulong, sa paniniwala, sa inspirasyon, sa halimbawa, at sa mga alaala.