Babae

“Babae” ng Inang Laya ang isa sa mga paborito kong awitin para sa mga Filipina. Ang kantang ito, na ang sumulat at composer ay si Mon Ayco, ay isang hamon sa mga babae: pananatilihin ba nila ang umiiral na pagtingin sa mga babae bilang mahina, passive, at naghihintay lamang na akayin naming mga lalaki?

O gagayahin ba nila ang mga bayaning Filipina na hindi natakot na kumilos hindi lamang para sa sarili, kundi para din sa pambansang paglaya?

Sa kabila ng sinasabing patuloy na pag-unlad ng pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, sa mga panahong ito ng sunod-sunod na panggagago sa bayan at lumalalang banta sa kalayaan ng mga mamamayan, nagiging makabuluhan ang awiting ito.

Sa kanta, nabanggit ang mga sumusunod na Filipina bilang modelo ng mga babaeng lumaban:

  • Maria Josefa Gabriela Carino Silang (March 19, 1731 – September 29, 1763) – Pinamunuan niya ang paghihimagsik ng Ilokos laban sa mga mananakop na Kastila matapos pagtaksilan ng mga kaibigan at mapaslang ang dating lider, ang kanyang kabiyak na si Diego Silang.
  • Teresa Ferraris Magbanua (October 13, 18763 – August 1947) – Filipinang namuno sa mga sundalo nong Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumuko siya noong 1900. Noong panahon ng pananakop ng mg Hapones, ibinenta niya ang kanyang mga ari-arian upang suportahan ang mga gerilyang Pilipino.
  • Melchora Aquino (January 6, 1812 – March 2, 1919) – Sino’ng hindi nakakakilala kay Tandang Sora, ang Ina ng Katipunan? Kinupkop niya ang mga sugatang Katipunero at ang tahanan niya’y naging hideout nila. Nang malaman ng mga Kastila ang kanyang mga ginagawa, ipinatapon nila siya sa Marianas. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1898.
  • Lisa Balando – Isang probinsiyanang naging organizer ng mga manggagawa noong panahon ng diktaturyang Marcos. Pinamunuan niya ang kauna-unahang welga sa Rossini’s Knitwear and Winter Garments sa Caloocan. Dumalo siya sa mga martsa’t demonstrasyon ng mga manggagawa. Isa siya sa mga napatay nang pagbabariln ng mga ahente ng rehimeng Marcos ang mga manggagawang nag-rally noong Mayo 1, 1971.
  • Liliosa Hilao – patnugot ng Hasik, ang pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; kasapi ng Kabataang Makabayan at College Editors Guild of the Philippines; at kandidato sa pagka-summa cum laude. Isa siya sa mga unang dinakip at pinaslang matapos ideklara ang Batas Militar. Ginahasa siya at namatay sa kulungan sa kamay ng mga militar.
  • Ma. Lorena Barros – aktibista, makata at mag-aaral ng anthropology sa Unibersidad ng Pilipinas, naging founding chair siya ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan noong panahon ng First Quarter Storm. Naging gerilya siya ng New People’s Army at namatay sa laban noong March 24, 1976.

Narito ang buong lyrics ng “Babae” :

Babae
Inang Laya

Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban, kaapiha’y bakit iniluluha
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?

Kayo ba ang mga Cinderella, na ang lalaki ang ang tanging pag-asa
Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa
Mga babae, kayo ba’y sadyang pangkama?

Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa, sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya

Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

Ang ating isip ay buksan at lipuna’y pag-aralan
Pa’no nahubog inyong isipan at tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?

Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka, at ngayo’y marami ang kasama
Mga babae, ang mithiin ay lumaya

Mga babae, ang mithiin ay lumaya.

Iilan lamang ang mga Filipinang nabanggit sa kanta, ngunit napakarami pang silang tumindig at lumaban sa iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan.

Ang post na ito ay lahok ko sa Filipina Writing Project ng Digital Filipino. Ang proyekto ay sponsored ng Barangay.ph, Kababayan.ph, MyUSMailbox.com, RegaloService.com, Acclaim Butterflies, at Chikka.com.Sources and related links:

30 thoughts on “Babae

  1. Hello, i think that i saw you visited my website thus i got here to ?go back the want?.I am trying to find issues to improve my site!I suppose its adequate to make use of some of your concepts!!

  2. Excuse me Pedro Honasan. Paki-ayos po ang ingles, keri? Kung maka-comment naman si Kuya… mag-aral po muna kayo ng ingles bago mag-comment in english. Filipinos, not Pilipino and the verb “are” needs a plural subject ok? Actually, you’re the bitch! Simpleng ingles lang, ‘di pa ma-gets.

    1. Hahaha! Eextra pa si pedro honasan..pasikat lang. Buti binara ka na ni gabby dahil pag ako ang pumatol sayo pati tagalog mauubusan ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *