(Update) Nakasama pa rin ako sa Blog Parteeh ‘07. Isinama ako nina Ma’am Malou at Sir Joe sa GMANews.tv team na dumalo sa event.
Sa Blog Parteeh, nagkita-kita ulit kami ng mga dati ko nang cyberfriends gaya nina Markku, Abe, at Karla (na unang beses ko pa lang nakita). Nasa UP pa lang kami ni Markku, cyberfriends na kami, samantalang itong huling dalawa ay nakilala ko sa Rebelde.com may mga pitong taon na siguro ang nakalilipas.
Nakita’t nakasalamuha ko rin ang iba pang ka-blog na dati’y kapalitan lang ng comments at links: sina Jhay, AJ–congrats sa ipod!–at Pierre a.k.a. the Jester-In-Exile.
“Ka-table” naman namin sa BlogParteeh sina Major Kontrapelo at Randy ng Kabarkada.com, at dumaan din si Jun ng Mabutingbalita.net.
Nakausap ko rin ang ilang maituturing na cybercelebs gaya nina Noemi ng Aboutmnyrecovery.com, Jayvee ng Mobile Philippines magazine at Mapalad.org, Janette Toral ng Digital Filipino (na hiningan ko ng Philippine Internet Review) at si Aileen Apollo ng Google Pilipinas. At dahil ako’y masugid na tagahanga ng Google, nilapitan at inistorbo ko itong huli para magparamdam, at ikinuwento ko pang binili at binasa ko ang aklat na naglalaman ng “biography” ng Google, hehe.
Speaking of celebs, naroon din si Bro. Bo Sanchez–umupo siya sa aming mesa at nakipagkuwentuhan sa amin. Siyempre, di ko pinalagpas ang pagkakataong makapagpa-autograph ng librong ipinamigay niya.
At gaya ni Jason, sobrang natuwa ako sa libreng doughnuts ng Krispy Kreme. Sarap!
Eto na ang iba pang mga larawan:
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
Uy nandun ako sa isang picture! Sayang dude, di ata kita nameet.
Next time ulit! =)
Noemi: Di ko pala na-meet ang anak mo. Kung di ako nagkakamali, isa siya sa mga pinakaunang blogger dito sa atin, di ba?
Major: Same here, bro.
AJ: Sa sunod! 🙂
Karla: 6 years lang pala. Yung ibang discussion, buhay pa sa Web archive.
Jun: See you sa iblog3.
Nostalgia Manila: Isinusulat ko na po ang mga sagot sa mga tanong ninyo.
Janette: Di ko po kakalimutan. Thanks ulit. 🙂
Ray: Parang Friendster offline, no?
Ade: Thanks for the visit. 🙂
Aileen: Asteeg talaga. Hihiramin nga ng professor namin eh, hehe.
Hi Ederic! Keep on reading! Enjoy yung “Google Story” noh? I loooooved that book! Cheers!
Nice to see you guys had fun at the Parteeh!
hehehe….ederic, kilala kita….hehehe…di ako kasama sa blog parteeh nyo, pero ganunpaman magpost ako rito…seen your name and post in AJ’s blog….musta pre
Hi Ederic. Ito pala ang blog mo. Ako ay nalito na. At any rate, huwag mong kalimutan ang akin Cyberfair plug ha. Gayun din sa iyong kasama na ipinakilala sa akin. Salamat!
Hello Ederic,
Nostalgia Manila is doing a new weekly segment called Nostalgia Bloggista, which features our very own top Pinoy Bloggers. We’d like to feature you and your blog, so please email us asap at: nostalgiamanilamail@yahoo.com
Sincerely,
–Nostalgia Manila
nice meeting you. we didn’t get to talk much… sa susunod, di na ako late… sana =) God bless.
finally ederic!!!
forum days pa yun! hahaha! sobra naman ung 7 years 😀
pasensya na ederic at di tayo gaanong nakapagkwentuhan. sa susunod na pagkikita!
It was a pleasure meeting you 🙂
hehe cybercelebs! aww. I finally got to meet you!