“Ayoko sanang maging negatibo ngayong Pasko, subalit tuwing lumalabas ako ay sinasampal ako ng realidad… Ang lungkot ng Pasko ngayon,” ayon sa isang kasapi ng Tinig.com Forums.
Ayon naman sa isang survey ng SWS. mula sa 82% noong 2002, 62% na lamang ng mga Pilipinong nasa edad na umasang magiging masaya ang kanilang Pasko.
Sabagay, kahit naman kami, hindi naging ganoon kasaya ang Pasko.
Nitong buwan ng Disyembre, sumakabilang-buhay ang lola ni Mhay na binisita namin sa Mindanao ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Nakakalungkot. Sabi ko pa naman noong malapit na kaming umalis, dadalawin namin siya ulit. Tuloy, hindi rin niya nakasama ang mga magulang niyang umuwi sa Mindanao.
Dahil naman sa trabaho, hindi ako nakauwi sa Marinduque para makasama si Nanay. Ito ang pinakaunang Paskong nangyari ito. Noong nag-aaral pa ako, at kahit nitong mga nakalipas na taon na nagtatrabaho na, ang Pasko’y lagi kong ginugugol sa amin.
Pero sa kabila nito, magkasama naman kami ni Mhay–ang unang Paskong hindi kami magkalayo. Kaya’t kahit ang Pasko nami’y di gaya ng dati, perpekto pa rin ito.
Na siya namang dapat. Dahil totoo man o hindi na ang araw ng Pasko ay siyang kaarawan ni Kristo, banal–kung kaya’t dapat ay perpekto–ang paggunitang ito.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Happy new year na. 🙂
talagang ganyan… kahit maraming krisis sa Pinas… we’ll manage and manage to make Christmas happy as Filipinos.
kaya nga lab tayo ni John Paul II eh!
talagang malungkot ang pasko ko… pinagalitan kasi ako sa amin eh… at wala kaming handa!! hindi rin kami kumpletong mag kakapamilya…. sana sa susunod na pasko masaya na kami…. at sana wala ng mapuputukan…. let us hoping na sana wala ng mapuputukan….