Matapos ang ilang panahong paghihintay, dumating na ang pinananabikan ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza. Siguradong nagbubunyi ang AlDub Nation dahil nagsimula na ngayong gabi ang teledramang “Destined to be Yours” sa GMA-7.
Sa unang episode (na mapapanood sa ibaba), ipinakilala ang mga tauhang ginagampanan ng phenomenal loveteam at ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Si Sinag Obispo (Maine) ay DJ sa isang local radio station at anak ng mga alagad ng sining. Si Benjie Rosales (Alden) naman, bagong graduate na nangangarap na maging isang top architect sa bansa.
Ibinunyag sa unang gabi ng palabas na may maikling nakaraan sina Sinag at Benjie noong mga bata pa sila. Isang araw lang ‘yon, pero kinimkim ni Sinag ang alaala ng kanilang napakaikling pagsasama.
Ipinarinig din ang “Tadhana,” ang official theme song ng “Destined To Be Yours.” Ipinakita rin ang isang “Destiny’s Promise,” isang likhang-sining na wari’y magiging simbolo ng istorya: Ang magkahawak na dalawang kamay nililok mula sa kahoy ng ama ni Sinag.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, aabangan natin kung paano muling magtatagpo sina Sinag at Benjie, ano-ano ang mga pagsubok na kanilang haharapin, at kung sadyang sila nga ba ang itinakda para sa isa’t isa.
Bukod sa nakakikilig — basta naman Aldub, siguradong puno ng kilig — mukhang nakawiwiling panoorin ang “Destined To Be Yours.” Makulay ito tulad ng mga Koreanovela. Maganda ang tanawin sa probinsiya nina Sinag. Magaan sa mata ang mga bida at ang mga taong nakapaligid sa kanila.
At para sa mga romantiko — pati na rin mga usisero — sino ba naman ang hindi magnanais manood ng kuwentong tumatalakay sa pagkakaroon ng itinakdang katuwang?
Narito ang buong episode mula sa YouTube account ng GMA Network:

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 19, 2023
‘Elemental’ is 2023’s most-viewed movie premiere on Disney+
“Elemental” made its streaming debut in a blaze of glory.
September 16, 2023
Converge, BlastTV intro Studio Universal
Converge announced the launch of Studio Universal in Southeast Asia on…
June 20, 2023
Tunggalian sa katanghalian
Dahil sa "Eat Bulaga," may namumuong kaabang-abang na mga pagbabago sa free TV…