May virtual hearing kanina ang House of Representatives para sa House Bill No. 6707 o ang panukalang “Crushing COVID Act.”

Layunin ng panukala na isabatas ang pagkakaroon ng subsidized mass testing para sa mga nagbabalik-trabahong manggagawa na madaling tamaan ng COVID-19 dahil sa iniindang karamdaman.

Kapag naging batas ito, ire-require din ang testing para sa lahat ng mga papasok sa teritoryo ng ating bansa, pati ang mga dayuhan. Pero siyempre, kailangang magbayad ang foreigners.

Sa hearing, may mungkahi si Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol, Jr. na unahin ang mga mambabatas at mga empleyado ng House sa testing kung mangyayari nga ito.

“Dapat po mauna tayong ma-test — mga congressman, congresswoman, empleyado ng Congress. Lahat naman po tayo nagbabayad ng PhilHealth,” sabi ni Datol, ayon sa ulat ng CNN Philippines.

Hindi maaari ang mungkahi ni Datol. Alam n’yo ba kung bakit?

Dahil si Mayor ang dapat mauna!

Ang larawan ay mula sa website ng House of Representatives.