Kagabi, pagkauwi namin galing Trinoma ay may natanggap akong text mula kay Karla. Siya at si Rick daw ay nasa isang kainan na malapit lang sa amin. Pinuntahan ko sila, at nalaman kong kasama pala nila sina Andrei at Bob. Hindi na ako nakikain, pero sa ilang minutong itinambay ko kasama sila ay napag-usapan namin ang mga lumang blogs, mga dating kachokaran sa Internet, at iba pa. Naikuwento ko rin kay Andrei na lately ay nagsusulputan ang Peyups.com cyberfriends ko.

Pag-uwi ko sa bahay, muli kong binalikan ang ihinahanda kong lahok sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007 ng Digital Filipino. Sa kaka-click, napadpad ako sa timeline of Philippine blogs ng Philippine Internet Review, na gaya ng Digital Filipino ay proyekto rin ni Janette Toral. Eh, wala sa listahan ang blog ko. Bago ko hilinging maidagdag ito, naisip kong balikan muna ang kasaysayan ng aking personal blog at i-upload ang mga lumang files nito na nasa PC ko.

Narito ang sarili kong timeline ng ederic@cyberspace:

  • 1998 – 2000 – Nasa Collegian pa lang ako, gusto ko nang magkaroon ng sariling site. Bandang 2000, nagawa ko na ang page na ito, at maaaring nai-upload ko sa Crosswinds.net account ko.
  • Enero 2001 – Nagkaroon ako ng account sa Terrashare.com at nakuha nang libre ang domain name na ederic.net. Ito ang naitala ng Archive.org. Ibinibida ko ang Quios.com, ang katumbas noon ng Jaxtar at SMS.ac ngayon.
  • Mayo 2001 – Ibinibida ko naman ang Tinig.com at ang pakiki-jammin sa EDSA 2, pati na rin ang pag-a-upload ko ng Pinoy Times articles.
  • Setyembre 2001 – Simula na ng pag-a-update ko ng site sa mala-blog na paraan. Nasa page na ito ang entry ko tungkol sa martial law. Nai-upload ko yan sa sinupan (archive) ng site na ito mula sa mga lumang files sa PC ko.
  • Oktubre 2001 – Napansin ko ang Blogger.com at na-excite ako: “My friend Pon has a new web site. Her site has a cool design, and content, of course and it uses a user friend[ly] online journal publishing utility provided by Blogger.com. I’ll surely use the same in the future to update Ederic@CyberSpace.” Nakuha ko rin ang Ederic.com.
  • Nobyembre 8, 2001 – Huling mala-blog na entry bago ako lumipat sa Blogger.com. Tungkol kay Nida Blanca at sa bagyong Lingling ang isinulat ko.
  • Nobyembre 23, 2001 – Unang Blogger.com entry ko. Tungkol sa unang pelikulang Harry Potter ang isinulat ko.

Sa mga panahong iyan, palipat-lipat ako sa iba’t ibang free webhosting. May okay, may hindi.

Sa blog engine, mula Blogger ay lumipat din ako sa Movable Type, at ngayon ay WordPress na.

Mula ederic.net, nakuha ko ang ederic.com at bumalik ulit sa ederic.net. Nang di ko nabayaran agad itong huli, lumipat naman ako sa ederic.fil.ph. Nang mawala ito, ang ederic.tinig.com na ang IRL ko. Siguro, permanente na ito.

Gumamit din ako ng ederic.tk dati para sa ederic@cyberspace, pero ngayon ay lagakan na lang ito ng mga sulatin ko. Ang ederic.org at edericeder.com naman ay awtomatikong nare-redirect sa ederic@cyberspace.

At siyanga pala, dahil senti, ibinalik ko ang medyo binagong blog header na gamit ko dati.

Related entry (added on August 5, 2007): CyberSenti – sinasagot ang mga tanong gaya ng:

  • Kailan ka unang nag-online?
  • Paano ka nagkaroon ng e-mail address? Hotmail ba o Yahoo?

Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center