Proudly Pinoy Logo Ito ang nanalong lahok sa patimpalak ng ProudlyPinoy.org para sa isang logo na maaaring gamitin ng sinumang Pilipino sa World Wide Web upang maipagmalaki ang kanyang pagiging Pilipino.

Ang logo ay likha ni Joe Talisic ng lalawigan ng Cebu. Isa siyang OFW na nagtatrabaho sa Qatar at nakabakasyon ngayon sa Pilipinas.

“I wanted to express nature in the Philippines, and used the concept of a shell, to symbolize both the humanity and natural bounty we have in the Philippines,” ayon kay Joe sa panayam ng ProudlyPinoy.org.

Ang kamay na humahawak sa bandila ay sinimbolo ng shell. Sang-ayon ako sa ProudlyPinoy nang idagdag nilang ang logo ay sumasagisag ng pagiging mapagkalinga ng mga Pilipino: “And the gentle way the hand cradles the sun, it evokes love, and warmth, and caring, which are traits more important in the Philippines than in any other country.”

Nananawagan ang ProudlyPinoy.org na gamitin at palaganapin ng mga Pilipinong blogger ang logong ito:

“This ‘Proudly Pinoy’ logo expresses pride in being Filipino. It is available for all Filipino designed or owned websites. If you are a Filipino or have a Filipino site, please support this project and express your pride of being Pinoy, by posting this logo on your Pinoy site or blog!” wika nila sa kanilang website.

Tumugon na ako sa panawagan at inilagay ko ito kasama ng aking header. Sana kayo rin. Ipakita natin sa mundo na hindi natin ikinahihiyang maging Pilipino.

Join the Conversation

1 Comment

Post a reply