Nag-comment kamakailan sa Erap pardon article ko sa Titik ni Ederic si cyberfriend Chuckie Dreyfus, founder ng WordPress Pinoys. Napansin ko ang sinabi niyang “If this is how we run our own democratic independence, I’d rather wish for colonialism!” Pagdaan ko sa blog niya, may tanong siya sa mga bisita: “Colonialism is really starting to sound good right about now. What say you?”

Napahaba ang sagot ko, kaya’t ipinost ko na rin dito. Ganito ang sinabi ko:

Hi Chuckie,

Salamat sa pagdaan sa isang blog ko. 🙂

I agree with you when you wrote “Gloria is doing this because she needs ALL the support she can get from BOTH fences.” Given the series of scandals in her administration, Mrs. Arroyo must really be worried that she could be forced out of the Palace before 2010. Thus, she needs the support of Erap and FPJ loyalists.

But despite all these, I still believe we shouldn’t give up and wish that we belonged na lang to another nation. Narito na tayo, eh. Pangatawanan na natin. Besides, our government’s policies since we earned “independence” in the 1940s have been heavily influenced by the United States. Pero look at where we are now. Pati nga scandals nila, ginagaya natin. They had Watergate, we had Juetenggate–and now Hello Garci, Jocjoc, ZTE, bribery, and others. At sigurado ako, maging Americans man tayo legally through Statehood, we’ll always be treated as second-class citizens dahil kayumanggi tayo.

Ang isa sa mga paraan para makabangon tayo, ituloy lang ang pagsusumikap para sa pagbabago.

Ginawa natin ang parte natin noong EDSA 2, pero iniisip nating nabigo tayo. Maaaring may kabiguan, but it’s not our fault that the leaders who benefited from People Power betrayed and continue to betray us. Kung kailangang paulit-ulit tayong magsakripisyo, magmartsa, mag-alsa, bakit hindi? Ang mas masama, sabi mo nga ay kung walang gagawin ang mga taong may mabubuting intensyon dahil kapag ganoon, magtatagumpay ang mga kampon ni Fuuma Lear.

At napakarami ng mga taong may mabubuting intensyon at pangarap para sa bansa. Kahit kadalasa’y ilusyon ang pagwawagi ng matutuwid sa eleksyon, may mga nakakalusot pa ring isa o dalawa–meron tayong mga Trillanes, mga Ka Satur, mga Padaca, mga Panlilio, mga Robredo. Kung ang mga ‘yan ay dumami pa at eventually mangibabaw sa gobyerno, baka sakaling makatulong mabago ang bansa. We missed our chance to elect good leaders like Salonga, Roco or Bro Eddie, pero sa susunod baka naman may choices pa tayo–hindi pa sumusuko ang mga taga-Ang Kapatiran, Bayan Muna, Akbayan, halimbawa.

At di lamang sa eleksyon–kahit sa private sector, may mga grupong naghahangad ng pagbabago: nariyan ang Gawad Kalinga, Philippine Rural Reconstruction Movement ni Sen. Bobbby Tañada, Foundation for Worldwide People Power, Philippine Business for Education at Pathways, ang Black and White Movement–at marami pang iba na binubuo ng mga respetadong tao in the private sector na nagsusulong ng pag-unlad.

If all these forces would unite, enlist the people’s support, and push for a good Philippine Government, baka sakaling kayanin natin. Pinoy pa naman tayo. Makulit, masipag, masikap. Medyo watak-watak nga lamang.

And there are people like you na naghahangad din ng magandang Pilipinas, at dahil sa celebrity status, ay hindi puwedeng hindi pansinin ang mga sinasabi. Aminin mo man o hindi–gaya nga ng sinasabi ko lagi sa isa kong cyberfriend–ang mga sasabihin o isusulat ninyo would always pique the readers’ curiosity. And if influential people like you would rally your friends to support a certain cause–say the cause of nationalism or the environment–I’m sure, may mga mahahatak kayo.

Siyempre, lagi ring nakaantabay ang revolutionary movement–though for most of us, mas acceptable ang peaceful ways for reform.

Siguro kailangan din nating balikan ang 1896, when our nation was born. Alalahanin ang mga aral ng Katipunan, i-review at i-update ang Kartilya nina Bonifacio at Jacinto. Siguradong marami tayong mapupulot.

Kailangan nating labanan ang mga kabalintunaan gaya ng mga kasalukuyang nagaganap para muli nating i-respeto ang ating sarili–ang ating pagka-Pilipino–at di iaasa sa iba ang ating kabutihan.

Ayan, dahil sa pardon issue na yan na isang linggo nang nagpapakulo ng dugo ko, nag-talumpati na ako sa comments section mo. (Sa haba, iba-blog ko na nga rin ito.) Ako naman ang dapat mong gawaran ng pardon sa kakulitang ito, hehe.

Pero ihihirit ko pa rin ang ilang bahagi ng isa sa mga paborito kong article mula sa Tinig.com na isinulat ng kaibigan kong si Jol Ong:

Pero hindi titigil ang mga usapang ganito. May mga tao na patuloy na lumalaban sa isang seemingly-lost war. Sa panahong ang karamiha’y okay ipagpalit ang pride at dangal sa isang platong kanin, sa panahong usong-uso ang pagsuko, ito ang panahon na mas dapat kang kumapit sa dangal. Sa panahon na lahat ng tao’y nasa alapaap ng kanilang mga showbiz dreams, mas nangangailangan ang bansa ng mga taong kayang humarap sa katotohanan ng buhay.

Ito ang panahon na mas dapat na piliin mo ang self-respect at nasyonalismo kahit na nangangahulugan ito ng pagkagutom o pagkasawi.

Dahil pag nagsimula ka nang sumuko, talo ka na. Kapag bumigay ka sa pressure, basag ka na. Kapag lumuhod ka na, mas patay ka pa sa patay.

Ngayon, sa dinami-dami ng mga Pilipino na may potensyal na mag-isip nang ganito, sino ang maniniwala na wala tayong kakayahang maging self-reliant?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts