Hindi naman yata tamang umagang-umaga, iistorbohin ka at bubuwisitin ka ng kung sinu-sino.

Umaga. May naliligo pa sa banyo. Tinatapos ko lang ang ginagawa ko sa PC ko dahil maghahanda na ako papasok. Biglang nag-ring ang telepono. Di ko agad sinagot. Pero nang maisip kong naliligo pa nga ang kasama ko, ako na ang sumagot. Baka kako para sa akin–si Mhay o isa sa mga kaibigan ko. O baka maniningil ng credit card ko.

So, sinagot ko. Hinanap ako. Metrobank daw. Naku, ayan na nga kako–mukhang kulang na naman ng isandaan yung naibayad ko. Aba, ang unang itinanong eh kung gumagamit daw ba ako ng credit card. At dahil mabait pa ako, um-oo naman ako. ‘Yun pala, mag-aalok lang ng bagong card.

Medyo nainis na ako. Nakakasawa na kasi ang mga tawag nang tawag na ganyan. Eh, yung dalawang card ko nga lang–ang isa ay Go Mastercard ng Metrobank–di ko na mabayaran nang maayos, kukuha pa ako ng isa. At tama ba namang bigla kang tatawagan nang basta-basta sa bahay mo? I-spam mo na ako sa postal mail at minsan-minsan sa cellphone, huwag na huwag lang sa email at landline!

Itinanong ko kung saan nakuha ang number ko. Sa directory raw. Sana kako, huwag nilang gagawin ‘yung ganoong huwag basta-basta tatawag dahil nakakaistorbo. Pasensya na raw, ginagawa lang daw niya ang trabaho niya. Naiintindihan ko naman yun, kaso lang, naistorbo na nga niya ako.

Okay na sana, kaso biglang humirit: ako lang naman daw ang nagreklamo. Aba’t ang p—– i—– ito, siya na nga itong nambuwisit, sasagutin pa ako nang ganoon. Nasigawan ko tuloy.

Tsk tsk. Nang-away na naman ako. Ang totoo naiintindihan ko naman ang trabaho nila. Sa opisina, kailangan ko ring gawin ang ganoon–mang-istorbo ng mga source, ng mga public officials. Pero kapag natarayan, di na ako sumasagot nang pabalang. Hindi yata tamang ikaw na ang nambuwisit, ikaw pa ang matapang.

Sana magkaroon ng batas na ipagbabawal ang ganiyang basta pagtawag-tawag sa telepono para mang-alok sa credit card. May hinala akong yung mga datos natin sa application, iniipon at ipinamamahagi sa iba’t ibang ahensiyang nangungulit sa mga tao.

Si Erap na lang ang tawagan nila, saka yung mga opisyal at kasapi ng LPP at ULAP–baka pagbigyan pa sila.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center