“Pls support & pray 4 our farmers who will hold a peaceful march today to ask GMA 4 land & social justice.” Ganyan ang text message na natanggap ko kahapon mula kay Tonyo, kaibigan at kasamahan ko sa TXTPower at Bloggers’ Kapihan.

Ika-21 anibersaryo ng Mendiola Massacre kahapon, at nagtipun-tipon sa Chino Roces Bridge (dating Mendiola) ang mga magsasaka mula sa Timog Katagalugan upang igiit ang kanilang panawagan para sa tunay na repormang agraryo.

Sa Mendiola Massacre, 13 magsasaka ang namatay matapos pagbabarilin ng mga sundalo habang nagpoprotesta sila noong Enero 22, 1987–wala pang isang taon matapos maluklok sa Malacanang si Pangulong Cory Aquino dahil sa Edsa People Power Revolution.

Sa awa ng Diyos at sa pagsusumikap kapwa ng mga magsasakang nag-rally at ng pamahalaan, naging mapayapa ang rally kahapon. Sana lang, may kahinatnatnan rin ang mga hinihiling nila.

***
 Noong nasa kolehiyo pa ako, lagi naming pinapatugtog sa bahay yung tape ko ng Buklod. Paborito ng mga batang anak ng landlord namin yung “Buhay at Bukid”. Sumasayaw-sayaw pa kami habang pinapatugtog at sinasabayan ito:

Ang “Buhay at Bukid” ay naglalarawan ng buhay ng mga kababayan nating magsasaka tulad ng mga taga-Sumilao at mga taga-Timog Katagalugang pumunta sa Mendiola kahapon. Isinasatitik din nito ang kanilang mga adhikain at pangarap, na sinasang-ayunan at hinihiling din natin para sa kanila.

Narito ang lyrics ng “Buhay at Bukid” ng Buklod mula sa isang fansite para kay Noel Cabangon:

BUHAY AT BUKID

Ang buhay niya ay bukid
Kaulayaw bawat saglit
Munti niyang pangarap
Dito na nailibing.

Kailan pa ba makikita ang lupang minana
Ay maaari na ring tawaging kanya
Bawat butil na pinagyaman
Ay pait ng kawalan

Sa gitna ng kahirapan
May uring nakinabang.
Kailan pa ba makikita ang lupang minana
Ay maaari na ring tawaging kanya?

Lalaya rin ang lupa’t mga magsasaka
Tutulungan sila ng mga manggagawa
Babawiin ang lupang ninakaw ng iilan
At ang bunga ng lupa’y bayan na ang aani.

Lalaya rin…
Lalala, lalalala, lala, lala
Lalala, lalalala, lala, lalala
Lalala, lalalala, lala, lala
Lala, lala, lala


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center