Habang patuloy tayong inuulan ng malulungkot na balita tungkol sa pagpatay o pagtatangka sa buhay ng mga mamamahayag sa Pilipinas, ibabahagi ko sa inyo ang sites ng mga peryodistang netizens.
Natatandaan kong minsa’y nag-post si Sassy Lawyer ng links patungo sa blogs ng mga peryodistang nagba-blog. Napasama ako sa listahang iyon. Kamakalawa naman, nakuha ko sa PinoyPress ang links sa blogs nina Isolde Amante ng SunStar DailyCebu , Jose Torres Jr. ng abs-cbnNEWS.com, at Iris Gonzales ng BusinessWorld. Nagba-blog din sina Joey Alarilla ng INQ7, Alex Remollino ng Bulatlat.com, Suyin Jamoralin ng ANC, at Glenn Omanio ng Kyodo News.
Kung gusto naman ninyong makabasa ng maanghang na kritisismo ng Philippine media, puntahan ninyo ang Alternation101 ng isang nagpapakilalang si Sef. Medyo nagkasagutan lang kami dahil sa isang post niya na nagsasabing nagba-blog daw ang GMA-7 sa Internet para i-market ang mga palabas nito.
Samantala, sa mga naghahanap sa site ni Prof. Luis Teodoro, konting tiyaga lang po. Babalik na ito next week. Malapit na malapit na ring lumabas ang susunod na isyu ng Tinig.com.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?



I know Sir Teodoro! He really is a good journalist. He was my professor in J101. Lalang. Hey, I think I’m back to blogging. You can check out my latest post. Thanks.
MJ
thanks ederic s libreng plug. 😉 hehe
ok lang siguro yong nagsasagutan, wag lang humantong sa ‘patayan’ hehe. kung walang nagtatagisan ng opinyon, boring yon.