HACIENDA LUISITA
Ni Alexander Martin Remollino

Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha’t pawis ng sakada’t manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.

Hacienda Luisita,
saanman ibaling ang mga mata
ay mukha mong nakangisi ang natatanaw:
nakikita ko sa iyong mga pinaslang na welgista
ang mga ibinuwal na sakada ng Escalante
at mga itinumbang magsasaka sa Mendiola.

Magpista ka, Hacienda Luisita,
sa tamis ng dugo ng mga binaklasan ng buhay
nang dahil sa paggigiit ng karapatang mabuhay.
Ngunit mangilabot ka,
pagkat wala pang nakapagbubuwal
at walang makapagbubuwal
sa Bundok Arayat!

Pito na ang napaulat na napatay sa karahasan sa Hacienda Luisita. Ang mga magsasakang naghahangad ng ikabubuhay, inagawan ng buhay!

Sino’ng hindi magngingitngit?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center