Aileen, Ederic, Alex, Leonard, at Jonas
Aileen, Ederic, Alex, Leonard, at Jonas
Habang narito ako sa Singapore, nababasa ko sa Plurk, Twitter at blogs ang sunud-sunod na EB ng mga blogger sa Pilipinas.

Siyempre, hanggang basa na lang ako ng posts at nood ng pictures. Inggit tuloy ako.

Pero naka-attend pa rin ako ng isang bloggers’ kitaan noong isang Sabado — dito mismo sa Singapura. Ako pa nga ang unang dumating sa venue. (Excited ba? Hehe) Nilakad ko lang kasi mula sa hotel. Naging “juicy blogger” tuloy ako.

Nakasama ko sa Plurk fiesta (food EB ng Plurk members) sina Aileen at Jonas at ang mga bagong kakulitang sina Alex at Leonard.

Alex, Leonard, Jonas at Aileen
Alex, Leonard, Jonas and Aileen
Kumain muna kami sa isang food court sa Bugis. Pasta at garlic bread ang nilantakan ko.

Ilang oras din kaming nagkuwentuhan: malayo ang inabot ng usapan mula sa mga kuwento sa Internet at blogosphere, Nokia at iPhone, Singtel at Starhub, Globe at Smart, buhay Pinoy sa Singapore, hanggang sa mga kababayan nating tambay sa Geylang at Tanjong Pagar.

Kapag masaya ang huntahan, mabilis lumipas ang oras.

JOnas, Aileen, at Ederic
Jonas, Aileen, at Ederic
Tinamad na kaming pumunta sa IT Expo. Nilibot na lang namin ang mall at mga pamilihan doon habang tuluy-tuloy ang kuwentuhan.

May napuntahan kaming book store na siyempre, maraming books, at puwedeng magbasa. May isang shop din kaming pinasok — at noon lang ako nakapasok sa ganoon.

Sa paglilibot namin, nakabili ng scarf si Leonard, at pagkatapos ay inilibre niya kami ng drinks (Salamat, @umleo23!) na ininom namin habang nagsi-senti si Alex (Go, @gasdude!).

Leonard, Aileen, at Alex
Leonard, Aileen, at Alex
Bibiyahe kinabukasan si Aileen, at maagang umuwi si Jonas. Kaya hindi pa iyon ang Bloggers Inuman — wala kaming tinikmang anumang nakalalasing. Mababait kami. 🙂

Baka may susunod pang kita-kits bago ako umuwi sa Pilipinas. Siguro matutuloy yun kapag di masyadong busy ang mga pasimuno. Kaya kung Pinoy blogger ka at nakabase sa, Singapura, sali na.

Wala pang final plans. Abangan na lang po ang mga Plurk at Twitter namin. Puwede rin akong i-text sa +65 8429 9584.

Salamat, Aileen, para sa EB pictures. 🙂


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center