Sa biyahe, lalo na’t ikaw ay nasa pampublikong bus, hindi laging pansariling kaginhawahan ang dapat isipin. Sa bawat mong pagkilos, dapat ding isaalang-alang ang mararamdaman ng kapwa mo pasahero. Hangga’t maaari, huwag umutot. Mabaho ‘yan. Pero kung sadyang ‘di mapigilan, okay lang. Parang pagsuka rin ‘yan, mahirap kontrolin. May magagawa ba kami? Pero huwag na nating pag-usapan ang ututan at sukahan, di ka naman guilty diyan. Sa biyahe, mas okay rin sana kung di ka uuntog-untog sa balikat ng ‘di mo kakilala. Kadalasan kasi, nakakairita ‘yun. Pero kung sadyang antok na antok ka na, sige lang. Matuwa ka’t you’ve got a shoulder to lean on. Basta huwag ka lang maglalaway sa balikat o likod na sinasandalan mo. Pero may mga bagay na sobrang annoying pero pwede mong hindi gawin. Isa na riyan ang pagpapatugtog ng siguro’y bago mong walkman–hmm, di mo ba nabalitaang wala na sa uso ‘yan? Kung inaakala mong sobrang ok pare ang tingin sa ‘yo ng iba dahil may libreng radyo kang dala, sorry nagkakamali ka. Di lahat ng tao ay adik sa music mo! At nga pala, alam mo bang pwede kang gumamit ng bagay na isinasaksak sa tainga nang ikaw lang ang makarinig sa music mo? Earphones ang tawag dun!

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
Hi Ederic! Merry Christmas!
Hi Ederic,
Merry Christmas to you and your loved ones! I hope this holiday season will bring you all the warmth that love from all around you can bring 🙂