(Unang nalathala sa Pinoy Gazette)
Pumanaw noong Disyembre 14 si Fernando Poe, Jr.–Ronald Allan Kelley Poe sa tunay na buhay at mas lalong kilala bilang FPJ–matapos ma-stroke at ma-comatose. Naging bantog siya sa daigdig ng pinilakang tabing bilang Ang Panday, Asedillo, Totoy Bato, at iba pa at kinilala siya bilang “Hari ng Pelikulang Pilipino.”
Minamahal at iginalang siya ng mga kapwa artista. Para sa kanila, isa siyang tunay na haligi ng industriya–isang sandigang masasandalan–lalo na sa oras ng pangangailangan. Hanggang sa kamatayan ay masugid na sinundan at sinuportahan si Da King ng kanyang mga tagahanga.
Sa kabila ng ayon sa mga nagmamasid ay pagiging piyudal ng ugnayan niya sa kanyang mga tauhan, o ng kanyang pagiging pikon–na napatunayan nang ipahiya niya ang kasamahan naming reporter ng GMA-7 na si Sandra Aguinaldo, sigurado akong maaalala pa rin siya bilang isang “haring” matulungin at mapagbigay.
Habang naghahanda kami noon para sa programang Bio-Data ng GMA-7, kayrami naming narinig na mga kuwento ng pagiging mapagbigay ni FPJ. Nariyan ang mga artista at manggagawa sa pelikula na kanyang sinuportahan ang kabuhayan; mga tagahangang ‘di lamang pinasaya kundi personal na tinulungan lalo na sa pangangailangang pananalapi.
Ngunit higit sa kanyang di-matatawarang kontribusyon sa pelikulang Pilipino at kahit nabigo siya sa kanyang pagpasok sa daigdig ng pulitika–na kung tutuusin ay ‘di niya dapat ginawa–may mahalagang iniwan din si FPJ para sa pagsusulong ng isang lipunang malaya at tunay na demokratiko.
Ayon nga kay Ka Roger Rosal ng Communist Party of the Philippines, maaalala si FPJ bilang isang aktor na piniling gampanan sa kanyang mga pelikula ang papel ng mahihirap na inaapi pero bumangon at ipinaglaban ang karapatan.
Para sa mga aktibista, marahil ay pinakamaaalala ang kanyang pelikulang Asedillo, na base sa tunay na buhay ng isang makabayang gerilya sa Timog Katagalugan noong panahon ng Commonwealth. Si Asedillo ay isang guro na naging rebelde at pinangunahan ang paglaban
sa mga mapang-aping burukrata at panginoong may-lupa. Ayon kay Ka Satur Ocampo, kinatawan sa Kongreso ng Bayan Muna, ang pelikulang ito ay nag-iwan ng malalim na bakas sa kamalayan ng sambayanan tungkol sa pakikibaka ng mga magsasaka at manggagawa para sa katarungang panlipunan at laban sa imperyalismong Estados Unidos.
Maging si Bro. Eddie Villanueva, dating aktibistang kadre na ngayo’y pinuno ng Jesus is Lord Church at nakalaban ni FPJ sa eleksyon noong Mayo, ay humahanga sa iniwang alaala ni FPJ. Sinabi ni Bro. Eddie–na tulad ni FPJ at maraming Pilipino ay naniniwalang nagkaroon ng malawakang dayaan noong Mayo–na sa pelikula at tunay na buhay ay ipinaglaban ni Da King ang biktima ng kawalang-katarungan. Ito ayon sa kanya, ang kanyang matibay na pamana sa sambayanang Pilipino.
Pero sa gitna ng lungkot sa paglisan ni FPJ, hindi nananamlay ang kaluluwa ng kanyang pamana.
“Ang diwa ng paglaban ng mga sawing-palad ay hindi matatapos sa bawat pelikula ni FPJ o sa kanyang pagyao. Ito ay mananatiling buhay sa puso ng mga Pilipino na nais ibangon ang mga dukha at na-aapi,” sabi nga ni Ka Satur.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.
isdol kahit wala kana andito ako para sayo
sana maipalabas ung pilekula ng idol ko ung gawa na ang balang papatay sayo kasi favorite ko un
HGFHJ ____________________________————————————–__________________________