Nanawagan ngayon ng pagbibitiw ni Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo at pagbibigay-daan kay Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona, Jr. ang Estrada Resign Movement (RESIGN!), ang isa sa mga pangunahing grupong nanguna sa People Power 2.
?Gloria Macapagal Arroyo can make the right political decision this time: Resign and let the vice-president take over,? ayon kay Fr. Joe Dizon ng RESIGN! at Kairos Philippines.
Hinikayat rin ni Fr. Dizon si Guingona na pamunuan ang isang Council for National Unity, Prosperity and Peace na bibigkis sa iba’t ibang demokratikong grupong pulitikal na magsusulong ng isang programa ng mabuting pamamahala at muling bubuhay sa aandap-andap na prosesong pangkapayapaan at pagkakaisa.
Nang tanungin si Guingona tungkol sa panawagang ito, ang isinagot niya ay “The statement has no basis.” Dumalo ang Pangalawang Pangulo sa isang misa ng pag-alaala sa People Power 2 sa EDSA Shrine kaninang hapon. Ang naturang misa ay dinaluhan din ng mga kasapi ng ERM at ng Council for Philippine Affairs.
Aon pa kay Fr. Dizon, hindi kayang pagkaisahin ni Arroyo ang iba’t ibang grupong nagpabagsak kay Estrada.
?President Arroyo has shown that she is incapable of uniting the significant political forces who worked hard for a change in government after the disastrous one of former President Estrada. These include the sectors of the working people, youth and middle classes who mobilized in their millions to oust Estrada and then catapult her to power. Yet GMA has managed to alienate these forces and sectors so that many are increasingly at odds with her administration.?
Upang sumulong aniya ang bansa, ang tanging natitirang solusyon ay ang pagbibitiw ni Arroyo at pag-upo ni Guingona sa panguluhan na may suporta ng isang interim council hanggang sa sumapit ang eleksyon sa 2004.
?In fact, GMA will be free to concentrate on her presidential bid in 2004 and let an eminently qualified and respected public official pay undivided attention to governance,? dagdag pa ni Fr. Dizon
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…