Kasalukuyang pinag-uusapan pa rin sa Alibata e-group kung paano isasalin ang “save”–as in pagse-save ng file sa computer–sa Tagalog o Filipino.
Eto ang kontribusyon ko:
Kung hindi ako nagkakamali, sa larong sungka, ang tawag sa paglalagay ng bato, buto, o shells sa malaking butas (bahay) ay “subi” o pagsusubi. Ang manlalarong nagsusubi ay nag-iipon ng “bato” para manalo.
Kung talagang ayaw natin ang i-save, bakit hindi gamitin ang isubi? Medyo katunog at ganoon din ang diwa ng pagse-save.
Di ba’t ang isang file ay gawa mula sa maraming fragments/bytes? Parang pagsusubi, di ba?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
Kung hindi ako nagkakamali “subir” ang Spanish ng save at naging “subi” ng isina-Tagalog. Sa Bikol, hindi nawawala ang r sa mga Spanish verb na naging parte na ng bokabularyong Bikolano (hal. iskosar, iskosaron, areglar, areglaron, ibitar, ibitaran atbp)
Filipinayzd’s last blog post..Survivor at Fear Factor sa Philippine TV
Save ang buhay at ang ginagamit na salita para sa ideyang iyon. May iba-iba ding katumbas na salitang ang iba PANG wika sa Pilipinas para sa save. Sa Bikol, ang equivalent nito ay “itagama”. Kung hindi English, Spanish (isina-Filipino man o hindi) na salita lang ang neutral.
Filipinayzd’s last blog post..Survivor at Fear Factor sa Philippine TV
[…] Kaugnay nito, iminungkahi ko rin dati na gamitin ang “isubi” kung hindi natin masyadong gusto ang i-save sa terminolohiya ng mg computer. Narito ang paliwanag ko: Ano sa Tagalog ang “Save”? […]
Pabor ako sa “subi”. Sa tanong ni milphish, ang aking pananaw ay sa dahilang nasanay na tayong mag taglish. At isa pa wala yatang government agencies na nag-aaral patungkol sa bagay na ito pero kasama na sa curriculum ng mga estusyante natin ang computer subjects. Kung sabagay hindi lang naman ito ang mahirap tagalugin eh. Tulad sa accounting, papaano mo sasabihin ang liquid assets.
Kasi naman ang inaatupag ay puro pulitika.
bakit ba napakahirap minsan magsalin ng ingles sa tagalog?
ankop ang salitang ‘subi’ para sa ‘save’..
salamat.
pabor ako sa salitang ‘subi’ bilang tagalog na salita para sa ‘save’
😀
Publikasyong Iglap ng Maikling-maikling Kuwento Hinggil sa Karahasan sa Kilusang Manggagawa
Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga maikling-maikling maikling kuwento o dagli na tumatalakay sa lalo pang paparahas na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa partikular, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay at tumutuligsa sa brutal na pagpaslang kay Ka Fort ng unyon ng Nestle at sa iba pang mga manggagawa at kilusang manggagawang kumakaharap ng pagsasamantala ng mga kapitalista. Gayundin, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay sa patuloy na pagwelga at paglaban ng unyon at mga manggagawa ng Nestle at ng iba pang kolektibong laban ng mga unyon at manggagawa. Ito ang susunod na lalamanin ng espesyal na isyu ng Publikasyong-Iglap.
Ang Publikasyon-Iglap ang kagyat na pagtugon ng mga manunulat hinggil sa kaganapan sa ating bansa. Nauna na na nitong inilathala ang Pakikiramay (2004, pagpugay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita) at Truth and Consequence (2005, koleksyon ng tula sa kampanyang Oust Gloria!).
Maaaring magpadala ng isang maikling-maikling kuwento kada awtor. Maximum ng tatlong pahina, doble espasyo. Ipadala kasama ang maikling bionote o writer’s profile at kontak na mga numero sa mangiglap@yahoo.com at/o mangewan@gmail.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email kina Rolando Tolentino, Joey Baquiran at/o Mykel Andrada o di kaya’y kumontak sa 0915-4413324 at/o 0919-6384488.
Ang deadline ay sa Nobyembre 15, 2005.