Nakakairita yung patalastas sa telebisyon ni Jun Urbano — na mas kilala bilang Mr. Shooli — tungkol sa pagbabago. Sumunod daw sa batas at magbayad ng tamang buwis. Nang mapanood ko ang bahaging nagsasabing ang mga negosyante’y dapat magbayad ng tamang buwis, ang naisip ko’y maski magbayad sila ng tamang buwis, kung mga kurakot ang mga nakaupo, wala ring kuwenta.
Pero may idinagdag din naman siyang dapat daw huwag maging corrupt ang mga pulitiko. Sabihin niya iyan sa mga nakaupo. Ewan ko kung pakikinggan siya.
Sa isang bansang pinamumunuan ng mga taong nasangkot sa mga eskandalong gaya ng Hello Garci at ZTE scandal, kaipokrituhan ang panawagang magsimula ang pagbabago sa mga indibwal na mamamayan.
Sa patalastas, ininsulto pa at pinalabas na bayaran ang mga aktibista — samantalang ito yung mga taong kaytagal nang kumikilos para sa totoong pagbabago kahit pa malagay ang buhay nila sa panganib.
Basahin din ninyo sa Tinig.com ang komentaryo tungkol dito ng kaibigan kong si Alex Remollino.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
Siege: Hmm, ano pala.
John Yu: Mas madali nga namang pangasiwaan ang mga robot. 😉
Sa unang tingin pa lamang, malisyoso ang pagkakagawa ng commercial. Binaluktot at ikinubli ang mga importanteng datos sa kasaysayan at pinalabas na ang pagbubuklod-buklod ng mga tao upang patalsikin ang mga diktaturang rehimen ay walang saysay. Ipinakita dito sa ang “pagbabago ay nagmumula sa sarili.†Ang mga one-step formulang ganito ay malinaw na pangmamaliit ng gobyerno sa kakayahan ng mga mamamayan sa pagpapatanggap ng kawalang pagitan ng kooperasyon at pagkawalang-pakialam. Sumunod ka lang sa batas ng walang pagkontra o pagtatanong o pagsusuri man lamang. Hayaan mong maging tanga ang iyong sarili sa tunay na nangyayari. Ang ganitong kaisipan ang nagpapalala ng bulok na sistemang mayroon ang pilipinas.
Sa mga tulad ni Jun Urbano na nagpapakalat ng ganitong kaisipan, malaking PAKYU sa inyo!
OT.
Sobrang hindi mongolian ang accent ni Mr. Shooli. Super hindi. Kakairita.
Siege’s last blog post..Prelude: The Koreans are Invading + Company Outing
aajao: Kapag sinuri natin ang isang bagay, mas magandang tingnan natin ang nasa likod at tagiliran nito. Kapag tiningnan natin ang nasa harapan lamang, maaari tayong maloko ng ating nakikita.
jhay: Maaari rin namang trabaho lamang iyon para kay Mr. Urbano. Walang personalan — ika nga — trabaho lang.
aajao: Oo, sobrang kinukunsinti ng maraming Pilipino ang gobyernong ito. Sobra talaga. Pati nga lantarang propaganda gaya ng patalastas na pinag-uusapan, kinakagat. Ganito ba tayo kadaling lokohin?
Tama na rally… sunod ka na lang sa nakaupo. Ipikit na lang ang mata habang ninanakawan ka.
Wak na magrebelde… pag-usapan na lang. Paano ka pa makikipag-usap kung nakatutok na sa bunganga mo ang baril ng mga alagad ng gobyerno?
Magiging isang napakahabang debate lamang ito kung pag-uusapan natin kung saan dapat magmula ang pagbabago — kung sa indibwal o sa [mga opisyal ng] gobyerno.
Kung napansin mo ang post ko, wala akong pagtutol sa mismong ideya ng simulan ang pagbabago sa sarili. Ang sinabi ko ay “Sa isang bansang pinamumunuan ng mga taong nasangkot sa mga eskandalong gaya ng Hello Garci at ZTE scandal, kaipokrituhan ang panawagang magsimula ang pagbabago sa mga indibwal na mamamayan.”
Sapagkat paano mahihikayat ng gobyerno ang mga mamamayan na magbago, kung ang mismong pangulong nangako ng leadership by example ay tumatalikod sa kanyang ipingako? Ang mangyayari niyan, sasabihin ng mga Pilipino — kahit mali — na wag na tayong magbago tutal wala rin namang mangyayari dahil kurakot ang mga pinuno.
Walang nagsabing campaign manager ka ni GMA, pero sa mga sinasabi mo, parang okay lang sa yo na ituloy pa niya ang panggago niya sa ating lahat.
raspberry: Sabi mo, “Kasi kung ang pinuno ng bansa ay makatarungan at ang foundation ng lahat ng batas na pinatutupad ay makatao, walang choice ang mamamayan kundi sumunod at maging makatao na rin.” Sang-ayon ako.
meannski: Isang GOCC ata ang gumawa nung patalastas.
Ka Rusty: Salamat sa perspektibang pangkasaysayan. Maiging maulit sa aming mga mas nakababata ang mga ganyang taktika para kapag nasasalubong namin ay nakikilala namin.
Apol: ‘Yun ang isa pang nakakapikon. Yung mga taong walang kapagud-pagod sa pagkilos para magsulong ng pagbabago ay pinalalabas na desperado at mukhang pera. Hindi lahat ng ideya o ginagawa ng mga nasa grupong iyan ay pinaniniwalaan o sinasang-ayunan ko, pero alam kong mas marami sa nariyan ay tapat sa pagsusulong kanilang layunin para sa bayan.
makoy: Salamat. Mabuti kung magkakalinawan.
ederic ksm ko si jun urbano sa isang writing project.. hihingian ko sya ng paliwanag tungkol dito lalo na kung bakit natdem flags ang andun sa commercial..
Kung nakikinakabang ka sa kasalukuyang kaayusan ng lipunan, malamang ay hindi ka talaga maging interesado sa pagbabago nito. Tipong sasabihan lang yung mga naghihirap na magsipag at magbanat ng buto para guminhawa ang buhay.
Totoo naman na dabat ay baguhin natin ang ating sarili. Pero ang sabihin ito sa mga nakikinabang sa kaayusan ay parang suntok sa buwan.
Ang nakakapikon pa sa patalastas na yun, LFS flag yung nakawagayway na pinalalabas na binabayaran ang mga sumasama. Insulto yun.
Mas malamang pa na si Mr. Shooli ang binayaran para gamitin sa propagandang yun laban sa mga nag-oorganisa ng mamamayan para sa sama-samang pagkilos.
Apol’s last blog post..Paalam, Ka Bel…
Ang ganyang uri ng kalokohan sa TV ay ginawa ng diktadurang Marcos at gaya ng inaasahan ginagaya na naman ni GMA ang ganitong uri ng kahayupan para lasunin ang kaisipan ng bayan. Naaalala nyo pa ba ang … Sa ikauunlad ng Bayan disiplina ang kailangan, Bagong lipunan at Bagong republika… Subalit ang katotohanan panunupil, pagpatay at paggahasa kay Inang Bayan ang kanilang pinatupad. Ganyan na ganyan ang nagyayari ngayon.
Mabisang paraan ang TV at radyo sa ganitong uring karumal dumal na propoganda. Mag aral, matuto, makibaka….!!!!
Sino nga ba ang nag-finance ng naturang patalastas na ‘yun? Nakakairita nga sa totoo lang. Gusto ko pa mandin si Mr. Shooli, ay si Mr. Urbano pala.
meannski’s last blog post..‘Tong Linggong ‘to
Sa isang banda, tama rin si jhay…. Human nature ang maging selfish than selfless… kasi nga pleasure-seeking human beings tayo… kaya the general tendency of most people na nabigyan ng power e mangurakot. Hindi ko sinasabi na hindi natin kayang magbago, pero dapat siguro may magandang sistema na mag-ga-guide sa mamamayan na gawin ang tama at parusahan ang gumagawa ng mali. Kung ang mga batas ay na-i-implement ng tama, at kung pinag-iisipan ng mabuti ang lahat ng mga batas at proyekto para sa mga Pilipino, magbabago din ang mga Pilipino kalaunan.
Sinabi ko na ito dati, na naniniwala ako na sobrang bait ng mga Pilipino. Sa ibang bansa kasi sobrang higpit at pamatay ang mga consequences kung hindi mo susundin ang batas. Tulad ng simple violations like illegal parking, ang mahal ng babayaran at hindi rin uso ang lagayan system. Pag nahuli ng DUI (Driving Under Influence), grabe ang consequences, pag nahuli ng speeding ang laki ng multa. Kaya ang mga tao as much as possible sumusunod sa mga batas.
Kasi kung ang pinuno ng bansa ay makatarungan at ang foundation ng lahat ng batas na pinatutupad ay makatao, walang choice ang mamamayan kundi sumunod at maging makatao na rin.
mawalang-galang na po. ganun po ba ka-negatibo ang pananaw ninyo sa patalastas ni Mr. Shooli? Kase sa nababasa ko, parang hindi nga matutupad ang pagbabago sa atin kung tayo mismo, meron nang naka-“reserbang” pagtingin sa kasalukuyang pamahalaan. oo, maraming pagkukulang (at kasalanan sa bayan) ang kasalukuyang pamahalaan pero paano natin babaguhin ang lipunan kung tayo mismo sa ating sarili ayaw nating simulan ito? di ba ang pagiging masama ng gobyerno ay dahil na rin sa ilang mga mamamayan na kinukunsinte ito dahil sila-sila rin ang nakikinabang? parang paglalagay sa pulis yan eh. kung ikaw nahuli at ayaw mong maabala, babayaran mo yung pulis. anong itinuro mo sa alagad ng batas? mangurakot. yun lang yun eh. ang ibig kong sabihin, pwede nating turuan ang pamahalaan natin para makapaglingkod ng tapat din sa atin. kaya, kanino magsisimula ang pagbabago? hindi sa pamahalaan o kanino mang tiwaling opisyal kundi sa atin mismong sarili.
DISCALIMER: hindi ako fan ni Mr. Shooli at lalong hindi ako campaign manager ni GMA.
aajao’s last blog post..Biyernes Na?!
naunahan mo ako sa pagsusulat ng reaksyon ko sa palatastas na iyon. Nakakalungkot na nakaka-asar.
Marahil ay desperado si Mr Shooli na lumabas uli sa telebisyon kaya kinagat nya ang alok na maging tuta ng gobyernong ito.
Nasa sarili magsisimula ang pagbabago? haysus! Gumising nga kayo, mamamatay ka na, hindi ka pa nagbabago. Kaya ang dapat, sabay na baguhin ang sarili at lipunan.
jhay’s last blog post..invisibleSHIELD.com is now ZAGG.com
hmm.. ang pagkakaintindi ko sa patalastas na iyon ay isa lang: sa sarili nagmumula ang pagbbago.
sa pananaw ko, kahit anong ilabas na halimbawa sa kahit na anong patalastas ay hindi pa rin agad-agad na mababago ang matagal na nating kinagisnan at pinagkalugmukan. kaya isang mensahe lang talaga ang nadampot ko dun sa patalastas, na kung susuriin nating mabuti, may punto: ang pagbabago ay SA SARILI nagmumula, anuman ang ating ginagawa. 😉
aajao’s last blog post..physically & mentally tired