Nasa balita ngayon si Colonel Generoso Mariano, deputy chief ng Philippine Navy Reserve Command, matapos kumalat ang kanyang video na nanawagan ng pagpapalit ng gobyerno.
Sabi ni Col. Mariano sa video, nararamdaman din daw nilang mga sundalo ang hirap na dulot ng pagtaas ng bilihin at nakikita raw nilang ang pamahalaan “ay walang kakayanang gumawa ng mga hakbang upang iiwas tayo sa kagutuman at kamatayan.”
Ayon kay Mariano, “It is the right of every Filipino, including soldiers, to replace the government.” Inulit pa niya for emphais: “I repeat: Replace the government.”
Hawak na ngayon ng militar si Mariano at para imbestigahan.
Narito ang buong video:
Ayon sa batikang peryodistang si Raissa Robles, sinabi sa kanya ni Presidential Communications Strategy Secretary Ricky Carandang na bago ang ma-upload sa video, nakipagpulong si Mariano sa mga taong malapit kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“My friend told me that Arroyo will stop at nothing to escape being brought to court. And that would include fleeing the country to a place with no extradition treaty with Manila and military destabilization,” dagdag pa ni Robles sa kanyang report.
Noong Hunyo, nang manawagan si Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos ng pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Noynoy Aquino, sinabi ng obispo na may alam siyang mga personalidad na nagbabalak na tanggalin ang kasalukuyang presidente.
“There are people who are working on it already… Seriously working for it. So I’ll just be waiting for them to share the result of their output and see ano ba talaga ang the best for the Philippines without bloodshed and without violence,” ani Pueblos.
Si Pueblos ang obispong malapit kay Arroyo na nanghingi sa huli ng sports utility vehicle, na nakuha naman ng obispo sa tulong ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
May kaugnayan kaya ang video ni Mariano at ang naunang pahayag ni Bishop Pueblos? Ang kakaiba rito, kapag pinanood mo ang video, parang ang tinutukoy ay ang panahon ni Arroyo.
Posible kayang kampon nga ni Arroyo si Mariano? Pero bakit ang nag-upload ng video niya sa YouTube ay ang Solidarity for Sovereignty o S4S? Kapag tiningnan ang website ng S4S, makikitang kasali rito si Linda Montayre, isang dating aktibista na sumama rin sa mga pagkilos para mapababa si Arroyo — at bago iyon, sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Noong isang taon pa nananawagan sa militar ang S4S na ipagtanggol ang pambansang kasarinlan laban sa mga sumasalaula raw rito. Itinatakwil daw nila ang sabwatan sa pagitan ni Arroyo at ng kanyang “annointed successor.” Nang panahong iyon, nakaupo na si Aquino.
Base sa mga dokumento sa S4S website, tila kasama rin sa grupo si Kalookan Bishop Deogracias Iñiguez , aktibistang obispo na kabilang din sa Kilusang Makabansang Ekonomiya.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…