Pang-iinis ni Trillanes

Patapos na ang pag-aalsa nina Senador Antonio Trillanes IV, Heneral Danilo Lim at Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona sa Manila Peninsula.

Sumuko rin sila.

Nagulat lang ako sa reaksyon ng mga tao sa Twitteria, na sa palagay ko’y kapareho ng naramdaman ng marami sa ating mga kababayan. Naiintindihan ko naman sila. Mas masarap nga namang mabuhay sa Enchanted Kingdom kaysa maglakbay tungo sa isang di-tiyak na patutunguhan.

Ito na lang ang nasabi ko: “Sa kaloob-looban natin, gusto rin natin ng pagbabago. Ngunit nagagalit tayo sa mga mapangahas na nais gumambala sa maalwan nating pamumuhay.”

Nakakatakot ang pagbabago.

Bakit, VP Guingona?

Vice President GuingonaNoong kumalat ang balitang sasama na kay Fernando Poe, Jr ang paborito kong si Vice President Teofisto Guingona bago ang halalang 2004, natanggap ko ang text ni Jason na nagtatanong kung bakit napunta sa kampo si FPJ si VP. Hindi ko rin alam. Hindi ko rin ito maipaliwanag noon.

Naiintindihan at sinusuportahan ko ang kagustuhan ng Pangalawang Pangulo na maisulong ang isang makabayang ekonomiya, pero nagulat ako nang lumipat siya sa kampo ni FPJ matapos niyang umalis sa Lakas-CMD. Nanghinayang ako. Continue reading “Bakit, VP Guingona?”

If not now na, when pa?

Bawal na ang rally matapos ilabas ni Ate Glo ang Proclamation 1081, opps 1017 pala — Sorry, Kuya Michael D! Bad trip tiyak ang mga bak-ti!

Pero pasaway ang mga militante, pati sina Tita Cory — dinedma ang no rally policy. Yung ibang pasaway, nadale sa kaka-rally: sina Prof. Randy at Atty. Argee.

Ni-raid ang diyaryong Tribune. Dahil ba balita’y anti-Gloria lagi?

Sa bisa ng 1985 pang warrant of arrest dahil sa rebelyon daw, si Ka Bel ay hinuli! Pati paggo-golf nina Ret. Gens. Ramon Montano at Rex Piad, naunsiyami.

Kagabi, nag-alma ang mga Marino, sumugod sina VP Tito Guingona at nag-rosaryo sina Tita Cory at Bishop Bacani. Nag-rally ang mga tao sa UP. Muntik na namang magka-People Power. Pero naunsiyami na naman Continue reading “If not now na, when pa?”

Sina Loren at Teofisto

Nagsalita na si dating Senador Loren Legarda tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng Pangulong hanggang ngayo’y tahimik pa rin.

“She owes it to the people. She should confront the issue because it is in the best interest of the country,” wika raw ni Loren sa isang panayam ng INQ7.

Kapag nababanggit si Loren, naaalala ko si dating Pangalawang Pangulong Guingona. Continue reading “Sina Loren at Teofisto”

VP Guingona at ang Bangon!

Bangon!
Teddy Benigno, Vice President Teofisto Guingona, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, and Akbayan Rep. Etta Rosales during the launch of Bangon! at Club Filipino. (Lawaran mula sa INQ7.net)
“As I live and breath, I say — I do not intend to stand as a candidate in 2004. Kahit wala sa posisyon, I can still be an instrument for change, like what I did during martial law.”

Hindi na tatakbo sa 2004 si Pangulong Teofisto Guingona. Sa halip, tinanggap niya ang pamumuno sa Bangon! nationalist movement, isang bagong kilusan ng mga makabayang organisasyon at indibidwal.

Dala ang pakikiisa at suporta ng mga makabayan, inaasahang magsisilbing “third force” sa political arena ang Bangon! Isusulong ng Bangon! ang nasyonalismo at malinis na pamamahala upang mabigyang pag-asa at maiangat ang kamalayan ng mga Pilipino.

Itataguyod nito ang mga reporma at pagkilos laban sa katiwalian, babantayan ang pangangasiwa ng katarungan sa bansa, at tutulong upang maging malinis at tapat at pambansang halalan sa 2004.

Kabilang sa mga lider ng Bangon! sina dating Sen. Bobby Tañada at Philippine Star Columnist Teddy Benigno at dumalo naman sa paglulunsad nito sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Akbayan Rep. Etta Rosales, Bagong Alyansang Makabayan SecGen Teddy Casiño, at iba pang kilalang makabayan.

Continue reading “VP Guingona at ang Bangon!”