Nagsalita na si dating Senador Loren Legarda tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng Pangulong hanggang ngayo’y tahimik pa rin.
“She owes it to the people. She should confront the issue because it is in the best interest of the country,” wika raw ni Loren sa isang panayam ng INQ7.
Kapag nababanggit si Loren, naaalala ko si dating Pangalawang Pangulong Guingona.
Dating pangulo ng Lakas NUCD si Guingona. Sumunod siya nang kumalas si Loren dito noong 2003. Tumakbong bise-presidente ni Fernando Poe Jr si Loren. Kalaunan, iniwan ni Guingona ang kanyang Bangon! at kumampi na rin kay FPJ. Natalo si FPJ. Balik sa TV si Loren. Kamakailan, balik na siya sa piling ni Gloria bilang ambasador ng Pilipinas sa Tsina.
Kung matagal na kayong nagbabasa ng blog ko, alam na ninyong kasama sila sa mga paborito kong makabayan. Kaya naman nagtataka ako kung bakit nananahimik pa rin si VP Guingona. Nasaan na kaya siya? Naging full-fledged paru-parong bukid na kaya siya sa “Mano Po” country? Tsk tsk. Nakakalungkot!
May nakabinbing protesta sa Presidential Electoral Tribunal si Loren laban kay Pangalawang Pangulong Noli de Castro. Wish daw niya, bilisan ng PET ang pagresolba sa kaso niya. Kapag nabuksan daw ang ballot boxes, lalabas ang katotohanan.
Tungkol sa umano’y pandaraya ng Ina ng Bayan noong 2004, humirit si Loren ng madramang linya:
“For a while, I thought I was a lone ranger when I filed my protest. I really think I’ve been guided by Divine Providence,” wika raw ni Loren.
Teka, bakit sounds familiar ah. Parang “the Lord put me here…” Hmmm, Pangulong Gloria, ikaw ba ‘yan?
Tsk tsk. Nakakalungkot talaga. Alaskado na naman ako nito kay Myla.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
ederic, wa ka na updates? latest commentary naman dyan. hehe. busy ba mashadow? 😛
Ederic, sa sinabi ni Loren na best interest of the country, ano ba talaga ang nasa best interest nating mga mamamayan dito sa pinas at maging sa overseas?