Pentagon Gang Leader Killed

Namatay kaninang umaga ang pinuno ng Pentagon kidnap-for-ransom gang, ayon sa report ng pulisya.

Ayon sa report, si Faizal Marahomsar ay napatay sa isang sagupaan sa pagitan ng pulisya at ng mga kidnapper sa isang baranggay sa Magallanes, Cavite. Nailigtas naman ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ng sandatahang lakas ang dalawang kidnap victim.

Si Marohomsar ay nakatakas sa kanyang kulungan sa Camp Crame noong Hunyo. Ang kanyang grupo ang kumidnap sa Italyanong paring Katoliko, si Giuseppe Pierantoni.

0 thoughts on “Pentagon Gang Leader Killed”

Leave a Reply