Ederlyn's fans, may EB mamaya sa NTC

(Update) May kitaan mamayang hapon sa sa National Telecommunications Commission ang mga fan’s ni Ederlyn–na kilala rin bilang mga Globe subscribers na bad trip sa bagong unlimited texting rates.

Magkakaroon kasi ng public hearing sa NTC mamaya, Pebrero 9, ika-2 ng hapon, sa NTC office sa Quezon City upang talakayin ang reklamo ng TXTPower laban sa bagong unli promo ng Globe. Niyayaya ng TXTPower ang mga subscribers na dumalo at magsuot ng kulay pula.

Hindi pa malinaw kung makakadalo ang misteryosang babaeng si Ederlyn, pero ayon sa kumalat na text message kahapon, ganito ang pahayag niya:

Medyo inde nyo muna malalaman mga mangyayari sa aking buhay… Mag su-sun na ksi ako..! Mga fans lipat nrn keo……

-ederlyn

0 thoughts on “Ederlyn's fans, may EB mamaya sa NTC”

  1. Maganda ang ginagawa ng TEXTPOWER sa pagpopo-protekta ng mga consumers’ rights ng mga texters sa ating bansa. More power to such a group! At nais ko lang i-post itong mensahe para sa CBCP ukol sa pagdaraos ng malinis na halalan sa ating bansa. Ang liham na ito ay may petsang Jan. 20, 2007. Sana ay suportahan ito ng mga multi-sectoral groups sa ating bansa.

    Dear CBCP,

    Gusto kong ipabatid sa inyo ang aking panukala na bumuo ang inyong grupo at ang iba pang mga “civil society groups” ng isang “multi-sectoral task force” na talagang pangangalagaan ang mga magiging tunay na resulta ng darating na eleksiyon. Ang gayung “task force” ay dapat na gumamit ng lahat ng mga “latest technologies” tulad ng mga “celphone-cameras”, “digi-cams”,” laptop pc’s”, etc., para maipakita kung mayroong nagaganap na mga pandaraya sa eleksiyon. Dapat ding magpanukala ng mga “safety measures” sa Comelec para maging mas madali ang pagbubukas ng mga kunukwestiyong mga “ballot boxes”. At dapat maging madali ang pag-resolba ng Comelec sa isyu ng mga “disenfranchised voters” sa ating lipunan. Dapat din na ipanukala ng CBCP ang pag-hingi ng tulong sa U.N. Org o sa anumang “multi-national election observers’ team” para madokyumento ng husto at mabantayang maigi ang darating na eleksiyon sa ating bansa. Ang mga paratang ukol sa mga naganap na iregularidad noong “year 2004 elections” sa ating bansa ay dapat magsilbing gabay sa maayos na pagdaraos ng “year 2007 elections” sa Pilipinas.

    Sincerely,

    RUMMEL PIÑERA

Leave a Reply