Crash

Ngarag sa office kahapon. Nagulat at nalungkot kami sa isa na namang aksidente. Isang helikopter ng Philippine Air Force ang bumagsak at siyam ang napatay, kabilang si dating Phivolcs director Raymundo Punongbayan.

Kinailangang maghanap ng profile ng mga biktima at mga datos tungkol sa military aircraft ng ating tanggulan. Noong bandang hapon ay naatasan akong itala kung alin sa mga modelo ng aircraft na nasa listahan ang eroplano at alin ang helikopter. Naalala ko ang kaibigan naming si Timothy. Kako’y mas naging madali sana ang trabaho ko kung puwede ko siyang tawagan at kulitin tungkol sa mga eroplano at helikopter.

Mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas, pumanaw si Moti sa isang plane crash.

Leave a Reply