Image hosted by Photobucket.com Nabasa ko ‘yung post ni Jaemark tungkol sa mga bagong bili niyang libro at naalala ko ‘yung Tinig ng Generation Txt article ko na nagsasabing itinatatwa natin ang label na “Generation X” sa kabataan label dahil ito’y nangangahulugan ng pagiging lito at walang direksyon.

Pero ‘yung librong pinagmulan ng label na ‘yun, ang Generation X ni Douglas Coupland, ay nagustuhan ko. Kahit maraming konseptong dayuhan sa akin, gaya ni Jaemark ay naka-relate rin ako sa mga karakter at sa kanilang mga pananaw sa kawalang katiyakan na dala ng panahong ito, sa pagnanais na maglakbay, sa mga usapan tungkol sa buhay, sa mga kuwento ng pagkakaibigan at pag-iibigan.

Pinakatumimo sa isipan ko ‘yung bahagi tungkol sa earth memory–one moment, which for you, defines what it’s like to be alive on this planet.

Minsan, sa isang inuman, itinanong ko ito sa mga kaibigan ko sa kolehiyo. Naging masaya ‘yung kuwentuhan.

Maaari ko bang itanong kung ano ang sa ‘yo?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts