Tapos na ang maliligayang araw ng mga walang pakundangang* yosi boys and girls.
Nilagdaan kanina ni Ate Glo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo.
Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.
Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.
Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula P500 hanggang P400,000 at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang tatlong taon, at administrative sanctions.
Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng info campaign at isama sa school curricula ang masasamang epekto ng pagyoyosi.
Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier, isang doktor at siyang pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa Senado, na isang magandang birthday gift daw sa kanya ni Ate Glo ang pagkakalagda sa batas na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, narito ang balita tungkol sa bagong batas mula sa Gov.ph.
Sori na lang yosi girls and boys!
*Nga pala, ‘di ko sinasabing lahat ng nagyoyosi ay walang pakundangan, ha? Alam ko namang may mga nagyoyosing sensitive sa health concerns ng mga nasa paligid niya.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
ttama na ang paninigarilyo!
Salamat sa comments. 🙂
SORRY GUYS AH PERO ITS ON MY OWN PANANAW LANG NMAN!! SANA WAG NATING PABAGSAKIN ANG PRODUKTO NATIN. KC KAWAWA NMAN UNG MGA TAONG NAGBIBILAD SA ARAW BUONG MAGDAMAG PARA MAKITA LANG NA MAGANDA ANG PRODUKTO NA INILALABAS NILA. TAMAAN SANA ANG MGA NSA ITAAS!! PINABABAYAAN KC NILA ANG MGA TAO SA MGA PROBINSYA!!!
FEEL KO LANG UNG IBANG NAGPO-POST DITO, SABIHIN NILANG HINDI SILA NANINIGARILYO!! ASUS!! LUMANG STYLE NA YAN!! AKO AAMININ KO NA NANINIGARILYO AKO, PERO SA TAMANG LUGAR AT HINDI SA PAMPUBLIKONG LUGAR!! FOR EXAMPLE: SARILI KONG BANYO!! HAHAHAHA!!!
hindi maaaring mawala ang yosi sa ating bansa dahil isa tayo sa numero unong nagmamanufacture ng mga ito. at kung mawawala ang yosi, bababa ang stocks at magdududlot ito ng isang malaking crisis sa ating mga pinoy. NASA TAO ANG DESISYON KUNG GUSTO NYA MANIGARILYO O HINDI. WALA SA PRODUKTO KUNDI SA TAO ANG PROBLEMA! KUNG GUSTO BA NILANG MAMATAY NG MAAGA, D SIGE LANG SA HIT-HIT!!! HAHAHAHA!!!
yosi porlayp!till detah do us part!
wag na tayo magyosi..sayang ang mga creams na ginagamit qo kase nakaka-aging ang yosi!
wag na tayo magyosi..sayang ang mga creams na ginagamit qi kase nakaka-aging ang yosi!
Oo nga, huwag ka nang manigarilyo. Wala namang mabuting maidudulot sa iyo, di ba?
hehe buti nalang di ako naninigarilyo, buti naman at may batas na para sa paninigarilyo, nakakainis kasi yung mga naninigarilyo dahil yung usok nalalanghap ko….. grrrr….
hay!!!
buti nakita ko ang batas na to project nmn kc ito sa isang subject namin
saka masaya ako may batas na ganito i hate smoker kc ayaw ko sa usok hehehe!!!
The implementation of that R.A. is very sutable in our society today. I,m so glad that it is promulgated and ratified. Hope all smookers will vow and do obey coz I’m in an anti-smooking organization. I salute u as u promulgate that act.
The implementation of that R.A. is very sutable in our society today. I,m so glad that it is promulgated and ratified. Hope all smookers will vow and do obey coz I’m in an anti-smooking organization. I salute u as u promulgate that act.
stop na ko jan..dhil jan nasira relasyon nmin ng syota ko!
i cant stop it! saya kya mgyosi..chka kawawa nman ang mga tga-ilocos lalo na ang mga ktatapos kumain susuka lng cla sa uwa! hehe..
kung masama ang epekto ng paninigarilyo, bakit hindi ipinagbabawal ng pamahalaan ang pag bebenta ng cigarilyo sa mga minors?
one day i read about the bad effect of smocking the i stop…………………………………………………………………………………… from reading
Mas kawawa ang mga peasant farmers ng Ilocos.
glaznos: ows, talaga? 😉
lagsh: wag mo nang subukan.
carlo: oo nga… sa wakas, di lang dagger look ang pwede kong ibigay sa mga nagyoyosi sa jeep, hehehe.
mart: gawin mong inspirasyon sa pagtigil si “alice.” 😉
ang batas ay batas, kailangang sumunod………..at least, matatakot na akong humithit-buga. makakatipid na rin ako ng konti sa weekly allowance ko. di ko na rin kailangang magpa-therapy sa paninigarilyo. mas gugustuhin ko na lang na tumigil kaysa magbayad ng 500 na multa. 🙂
mabuti naman at naisabatas na ito. 😉
pareho tayo glaznos.
hehehehe buti na lang at di ako nagyoyosi…